NAABUTAN ni Chad ang kanyang ina sa family room. Nakatayo at nakaharap sa bintana. There should be a party happening outside, pero unti-unting nagsisialisan ang mga bisita. “Ma,” tawag niya dito. “Pinaalis ko na sila. Wala rin naman saysay na mag-celebrate.” Nang humarap ito ay sinalubong siya ng malakas na sampal ng mag-ina. “How dare you! Nananadya ka ba?! Sinabihan na kita noon kahit na sino tatanggapin ko huwag lang ang babaeng iyon! Nang dahil sa kanya namatay ang anak ko! Kung hindi sana sa kaartehan at kadaldalan niya! Buhay pa sana si Jim! At iyong singsing na ‘yon, paano napunta sa kanya ‘yon?! Ang tagal ko nang hinahanap ‘yon!” “That ring was mine! Isa iyon sa mga pinamana sa akin ni Dad. Sinabi niya sa last wil

