“SUMAMA ka na sa akin!” sigaw sa kanya ni Jim. “Hindi ako sasama sa’yo!” sigaw din ni Laya habang pilit na pumipiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki. “Dati ka naman masunurin, ‘di ba? Lahat ng sinasabi ko ginagawa mo!” Tinitigan niya ito ng deretso sa mga mata at buong tapang na sumagot. “Hindi na ngayon!” mariin niyang sagot. “Hindi ko na hahayaan na ikaw ang magpatakbo ng buhay ko! You’re dead! At matagal ka nang nasusunog sa impyerno!” Galit na galit itong sumigaw at bigla siyang sinakal. Pero hindi na hinayaan ni Laya na muli siyang masaktan nito. Mula sa likod ay binunot niya ang military knife. Ang kutsilyong kumitil sa buhay ng marami nitong biktima at muntik na rin pumatay sa kanya. At saka sinaksak i

