Akala ko naman ay may alam na itong si Rozzean sa relasyon namin ni Luther nun pala ay magpapatulong lang sa proposal niya para kay Tangi. Actually ikinatuwa ko na naisip niya na hingin ang tulong ko para dito, kasi syempre, bestfriend ko si Tangi at isa sa mahalagang pangyayari rin para sa akin ito para sa kaniya. Pero hindi pa niya sinasabi sa akin ang talagang plano. Akala niya rin kasi ay nasa Manila ako kaya dapat ngayon niya ako balak na kitain para sabihin 'yon, sinabi ko na nasa bakasyon ako at next week pa ang balik. Nagsabi rin ako kung kailan ako free at okay naman daw sa kaniya dahil sandaling pag-uusap lang. Mas okay nga naman na maipaliwanag niya sa akin ng personal. At bago niya ibaba ang tawag, kabilin-bilinan niya sa akin na wala akong pagsasabihan na kahit sino tungkol

