Malakas talaga ang kutob ko, eh. Lalo na nang makita ko siya na nagpunta na may dala pa na regalo. And how she speak about my Luther Rico? And my... her face after I kissed my man in front of her. Kitang-kita sa mga mata niya na hindi lang siya nagulat, nahuli ko rin ang pagtalim ng mga 'yon bago bumalik sa dati. "Oh, sorry, attorney. Nabigla ka ata. Ganito talaga kami magbatian ni Luther," sabi ko at lumapit dito, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Luther na alam kong natutuwa sa nangyayari. Eh, sa kaniya ko ba naman mismo narinig na gusto niyang nagseselos ako, iyong natataranta at napapaisipi ako. Ramdam ko 'yon sa kaniya don sa bahay ni Rozzean kahit na alam niyang kinabahan na ako ng sobra dahil sa babaeng 'to sa harapan namin. "I-I think that's just normal for couple. Hindi k

