Luther Rico It was never my intention to hurt Catalina. I just didn't expect to see my real mother after nearly twenty years of abandoning me. Hindi ko rin inaasahan na... nakatira ito mismo sa lupa na pagmamay-ari ni dad. I only found out when I visited the place the other day. Paalis na ako noon ng lugar dahil katulad ng inaasahan ko, hindi tatanggapin ng mga tao ang pera na iaalok ko para umalis. "Akala ninyong mayayaman, lahat matatapatan ng pera! Dito na lumaki at nagkaisip ang mga anak namin, narito ang mga kabuhayan namin. Kung tatanggapin namin ang offer mo na isang daang libo, sa tingin mo ikabubuhay namin 'yan agad? Mabilis lang 'yan lalagpas sa mga kamay namin sa dami ng gastusin." "Tama po ang sinabi ni Nita, sir. S-Saka ang isang daang libo bawat pamilya na bibigyan po niny

