What? Pwede naman na sumunod na lang ako sa kaniya! Saka paano kung mawala yung kotse niya dito bago dumating yung tauhan niya?! "Luther, alam ko naman na miss na miss mo na ako, pero magtig-isa na tayo ng sasakyan. Nasa thirty minutes lang ang layo ng bahay mo dito. Saka paano kung—" napatigil ako nang bitawan niya ang kamay ko at kuhanin ang cellphone niya sa loob ng bulsa niya. Sa tingin ko ay hindi talaga siya papayag, lalo na at ito... kausap na niya ang sinasabing tauhan niya. "Resty, pick up my car. I'll send you the address right now. Iiwan ko ang susi sa guard dito sa restaurant." Goodness! Ang maipilit rin talaga! Wala na akong nagawa at tinitigan ko na lang siya hanggang sa lapitan nga niya ang guard na parang ang lalim ng iniisip na nasa gilid. Dalawang beses pa itong tina

