Chapter 4.
Siguro naman ay alam niyo ‘yung pakiramdam na hindi mo magawang matulog dahil alam mo’ng na sa mapanganib kang lugar. Iyong tipo na kahit anong tulog ang gawin mo, hindi mo talaga magawa dahil nandoon lagi ‘yung takot. Ang dami ko palaging iniisip, lumalaki na ‘yung eyebags sa ilalim ng mata ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang makampante sa kung nasaan ako.
Sa hating-gabi, madalas ay nakakarinig ako ng mga ingay sa labas na wari mo’y abala sila sa kanilang ginagawa gayo’ng hating-gabi naman. Minsan ay wala rin si Seven sa dorm kaya mas lalo talaga akong natatakot. Siguro kung sino ‘man ang makakakita sa akin ay iisipin na masiyado akong over acting. Siguro nga, no?
Siguro kung kayo ang na sa kalagayan ko, baka hindi niyo lang din kayanin. Ang dali kasing sabihin na ganito’t ganiyan, pero kapag nandoon ka na mismo sa sitwasyon tapos mga delikadong tao ang kaharap mo, hindi ko na alam.
Pero, alam mo ‘yung sobra ka na ngang natatakot pero heto at sumusugal ka pa rin na parang tanga? Mayroon pala’ng ganon, at ako ‘yun.
Suot ang isang makapal na jacket, simpleng t-shirt at tokong na pang-tulog, matapang kong nilakad ang kadiliman ng Contario. Ito na siguro ‘yung point kung saan nababaliw na ang isang tao, sa sobrang tuliro ay hindi na niya alam ang ginagawa niya. Ang problema rito ay aware naman ako at natatakot ako para sa sarili ko kasi dahil sa takot, baka katangahan ko nga talaga ang papatay sa akin.
Gusto ko na talagang umalis, hindi ko kayang mabuhay na puno ng takot sa buhay. Hindi ako katulad nila.
“Ngayon daw ba ‘yung dating ng supply?” isang boses mula sa malapit.
Mabilis akong nagtago sa isang puno. Hindi na ako nakinig pa at nagtagal, nagpasya akong tumuloy sa paglalakad. Sarado na halos karamihan ng stores at ang iilan na lang na bukas ay piling restaurants at convenience stores. Nang makarating ako sa pinaka sentro ng Contario, marami na ang ilaw dahil sa mga lamp post, gusting mawala ng kaba ko dahil maliwanag na pero nang maalala ko ang ginawa ni Dario noon, sa kalagitnaan ng hapon, kung paano niya ako sinubukan patayin ay bumabalik ang kaba ko.
Pero dahil baliw ako, sige tuloy ang lakad.
Pumasok ako sa isang convenience store para bumili ng milk tea. Ang weird pa ng tingin sa akin nung cashier, nakalimutan ko, weird nga pala ako…
Chill lang akong umiinom habang naglalakad-lakad, hanggang sa natanaw ko ‘yung dean’s office na hindi naman talaga totoong dean’s office. Katulad ng dinatnan ko nung umagang pumunta ako, bukas ang pinto at ilaw sa loob. Dahil na rin sa babala ni Rehan, hinding hindi na ako magbabalak pasukin ‘yan. Naalala ko nung unang araw ko rito, sa takot ko kay Dario napadpad ako sa isang parang walang tao na lugar, doon ko rin unang nakita si Seven. Hindi ko lang masiyado’ng na-appreciate ‘yung lugar dahil nga sa takot ko pero nung maalala ko kagabi, ang ganda ng lugar na ‘yun.
Para siyang isang park, puno ng halaman at mga bulaklak, dahil din sa matataas na puno kaya naging makulimlim ang lugar. Sigurado ay malamig doon kaya ako nag-jacket.
Natandaan ko naman ‘yung way kaya sigurado ako na hindi ako maliligaw, hindi ko pa ‘man din dala ‘yung iPad.
Na-ngiti ako ng makita na ‘yung wooden bench na inupuan ko. Medyo madilim dito at mukha naman walang pumupunta rito kaya medyo naibsan ang takot ko, besides magaan ang pakiramdam ko sa lugar na ‘to. Dito na lang kaya ako tumira?
“Anong ginagawa mo rito?”
Nagulat ako ng biglang may baritonong boses ang nagsalita.
Mabilis akong napatayo at hinanap ang nagsalita.
Shit! Akala ko ay walang tao rito!
Unti-unting lumabas ang isang pigura mula sa dilim. Matangkad siya, may balbas at mukhang may edad na. Umtras ako sa takot, napansin niya ‘yun.
“Ikaw pala ‘yung bagong daga rito, huh?” sabi niya ng may ngisi sa labi.
Ka-agad tumaas ang balahibo ko sa takot, sa ngisi pa lang niya ay mukhang hindi na siya gagawa ng maganda. Gaga ka talaga, Alena. Alam mo naman kung gaano ka-delikado itong lugar na ‘to.
“Pasensya na ‘po, babalik na po ako sa dorm,” magalang kong pagkakasabi.
Yumuko ako at lumakad na, kaylangan ko siyang daanan pero dumistansya naman ako, kaso ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla niya akong hatakin. Ang sakit ng pagkaka-hatak niya na parang na-pwersa ang braso ko.
Dumaing ako sa sakit pero nangibabaw ‘yung takot ng maglapit ang mukha namin sa isa’t isa.
He look at me from head to toe, “Virgin ka pa ba?”
Tumulo na ang luha sa mata ko dahil mukhang may kutob na ako sa paroroonan nito.
“Sir, bitawan niyo po ako…”
Mas lalong lumawak ang ngisi niya, “You’re like a kitten, huh? I guess, nobody has ever touched you, e?” binitawan niya ako pero nagulat ako ng hatakin niya ang buhok ko “Kung ako ang magiging una mo, dapat matuwa ka dahil hindi ka magsisisi,”
Kinaladkad niya ako at tinulak sa wooden bench kung saan ako nakaupo kanina. Napa-daing ako sa sakit nang tumama at gumasgas ang tuhod ko sa damohan, sunod ay ang braso ko naman ang tumama sa upuan. Sunod-sunod tumulo ang luha ko. Hindi pa ‘man ako nakaka-recover sa sakit ay marahas niya akong tinayo at hinarap sa kaniya.
Hawak niya ang pala-pulsuhan ko ng sobrang higpit habang ang isang kamay naman niya ay pilit hinuhubad ang jacket na suot ko. Nanginginig na ako sa takot, pero kaylangan kong lumaban.
Sinipa ko ang ari niya pero mabilis niya itong nasalag gamit ang tuhod, sa ginawa ko ay mas lalo siyang ngumisi.
“You’re feisty, huh?” kinaladkad niya ako papunta sa isang puno.
Malakas niya akong tinulak sa puno, napa-pikit ako sa sakit ng tumama ang likuran ko. Tuluyan na niyang nahubad ang jacket ko kaya hindi na naging mahirap sa kaniya na punitin ang t-shirt ko.
“Sir, parang awa mo na!!” pagiyak ko sa harap niya, “Tulong!!” malakas na sigaw ko,
Pero dahil din doon ay sinuntok niya ako sa mukha, saglit na umikot ang paningin ko at naramdaman ako ang likidong tumulo mula sa ilong ko.
“Isang sigaw mo pa at papatayin kita!” banta niya.
Dahil sa pagkahilo ay hindi ko magawang manlaban. Naramdaman ko na lang ang lamig ng hangin ng diretso na itong tumatama sa balat ko. Hindi na rin tumagal ang suot kong bra dahil mabilis din niya itong natanggal.
Impit na iyak ang tangi kong nagagawa habang nararamdaman ang pag-lamas niya sa dibdib ko. Hinablot niya ang buhok ko kaya napa-ungol ako sa sakit pero dahil doon ay sinunggaban niya ng labi niya ang dibdib ko. Muli akong nag-pumiglas, gamit ang libre kong isang kamay ay sinampal ko siya sa bandang tenga. Napa-ubo ako ng sikmuraan niya ako, hindi kinaya ng katawan ko ang sakit kaya parang bumigay ang dalawa kong tuhod.
“Tama na po,” wala akong nakikita dahil nagdidilim na ang paningin ko.
Muli, hinila niya ang buhok ko paitaas kaya naitayo na naman niya ako. Hawak na niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay ng muli niyang sunggaban ang dibdib ko. Nararamdaman ko ang laway niya doon at wala akong ibang nararamdaman kundi pandidiri. Sinipa ko siya ulit pero katulad ng nauna, hinarang niya lang ulit ang tuhod niya, na parang sanay na sanay siya, na parang hindi ito ang unang beses na ginawa niya.
Nagmulat ang mata ko ng bahagya ng tumigil siya at nabitawan niya ako, dahil lang pala ‘yun sa naghubad siya ng damit kaya nakita ko ang katawan niyang puno ng peklat sa katawan at mga tattoo, gusto kong masuka sa pandidiri sa hayop na nasa harap ko. Dumapo sa mata ko ang isang baril na nakasukbit sa pantaloon niya pero hindi nagtagal ang mata ko roon dahil sinampal niya ako.
Nalasahan ko ang dugo sa labi ko.
Nanginig ako sa takot, wala rin tigil ang pagragasa ng luha ko lalo nang hubarin niya na ang tokong na suot ko, ‘tsaka niya pinunit ang huling saplot na mayroon ako.
Naramdaman ko ang kamay niya sa gitna ko at wala akong ibang magawa kundi maiyak na lamang.
Isa nga talaga akong tanga, boba at kahit na ano pa ang i-tawag niyo, tatanggapin ko. Kung sana, nanatili na lang ako sa kuwarto ay hindi ito mangyayari sa akin.
Siguro pagtapos nito at buhayin niya ako, ako na lang ang kusang kikitil sa buhay ko ng matapos na ‘to at ng makawala na ako sa letseng impyerno na ‘to.
Napapikit ako sa sakit ng bigla niyang ipasok ‘yung daliri niya sa gitna ko, sa puntong ito alam ko talagang tapos na ang buhay ko, na sirang sira na talaga.
Biglang pumasok sa isip ko si mama at papa, kung anong mararamdaman nila kapag nalaman nila ito, ‘yung sakit na pagdaraanan nila, nasasaktan ako.
Paano na ‘yung pangarap ko, dahil lang napadpad ako sa maling lugar ay nasira na ang buhay ko. Paano na?
Pero na-realized ko na kung hahayaan ko ngang mangyari sa akin ito, para ko na rin tinanggap ang kapalaran ko.
Basang-basa ‘man ng luha ang parehas kong mata, pinilit ko itong dinilat at bumungad sa akin ang mukha ng lalaking sarap na sarap sa ginagawa niya sa akin. Dumako ang mata ko sa bagay na nakita ko kanina.
Bahala na, pero sana ay umayon na sa akin ang nsa itaas.
Isinawalang-bahala ko ang panghihina, bigla kong kinuha ang baril na nasa pantalon niya, dahil nagulat din siya kaya nagawa kong masipa ang ari niya. Napa-atras siya sa sakit!
“ARGH! Putang ina!”
Nanlilisik ang mga mata niyang bumaling sa akin. He was about to attack me again ng itutok ko sa kaniya ang baril niya. Katulad ng mga napanood ko sa pelikula, kinasa ko ito sa harap niya.
“Lumapit ka pa sa akin at papatayin kitang hayop ka!!!” sigaw ko sa kaniya.
Ngumisi siya, “Really? Kaya mo ba talagang iputok ‘yan?”
Muling nag-play sa isip ko ang mga ginawa niya kanina, ang p*******t niya at ang pangba-baboy niya sa katawan ko. Kung paano niya walang habas na sinira ang buhay ko, lalo akong nang-gigil sa galit.
Nawala ang ngisi sa labi niya ng ako naman ang ngumisi.
“Hayop ka,”
Pumikit ako at pinutok ang baril sa kaniya. Narinig ko ang daing niya, dinilat ko ang mata ko at nakita kong nakatumba siya sa lupa.
“If you want to kill him, shoot him on his vitals,” someone said.
Lumingon ako sa paligid at hinanap ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Huminto ang mata ko sa isang pigura na nakatayo malapit sa isang puno.
As I see his face clearly, alam ko na agad kung sino ito.
He’s intently looking at me at sa baril na hawak ko. Nung ma-realized ko ang nagawa ko, kumabog ng malakas ang dibdib ko.
I look at the devil’s face once again, nakahiga siya sa lupa ngunit buhay siya. Hindi ko alam kung saan ko siya tinamaan pero mukhang hindi niya iyon ikamamatay.
Ramdam ko kung paano manginig ang kamay ko, kung makaligtas ang hayop na ‘to, baka ipakulong niya ako o kung hindi ‘man ay tuluyan niya na ako. Alin ‘man doon ay katapusan ko na.
I just defended myself, here I am parang nagsisi pa sa nagawa. Baka nga ito ang kaibahan ng mabuti sa masama. Sila, kahit anong gawin nila ay hindi sila binabagabag ng konsensya samantalang sa aming mabubuti, kahit tama ang ginawa namin, pakiramdam ko pa rin ay parang mali.
This is why it’s always unfair, always unfair sa mga mahihina. We are being abused and if we fought back, the sin is now on us. Funny, isn’t it?
I shivered in fear as I recall him doing dirty things to me. Paano kung ulitin niya o ng ibang tao? He’s evil, despite of me begging him, he continued and r***d me. Did someone like him deserves to live? Paano ‘yung mga naging biktima niyang hindi nakalaban?
Humigpit ang hawak ko sa baril. Hindi ko alintana ang lamig ng hangin na direktang tumatama sa balat ko. Lumapit ako sa kaniya.
He’s smirking, parang isang pagka-panalo sa kaniya nang mapatunayan niya ang sinabi niya. He said I can’t shoot him, I did. He think I can’t kill him now?
“Sa pagsira mo sa buhay ko,”
I smiled as I close my eyes for the last time, hindi na magbabago ang desisyon ko.
“You don’t deserve ro live,” I said, then I shoot him again, thrice, on his chest.
Hindi ako kumurap, hanggang sa sumara ang mga mata niya, hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. I want to see him die after what he did to me.
He deserves this, kung makulong ‘man ako, ang mahalaga ay nakamit ko ang hustisyang nararapat sa kaniya.
“You did well Alena,”
I stiffened As I heard again his voice. Nakalimutan ko na nandito nga pala siya.
I silently look at myself, hubad na hubad ako sa harap niya at ang malala, sobrang sakit ng gitna ko. Parang biglang nanghina ang tuhod ko matapos kong mapagtanto ang lahat.
Bumagsak ako sa sahig, nanghihina…
Muli na naman pumatak ang mga luha sa mata ko. I killed the man who did this cruel thing to me pero ‘yung alaala ay habang buhay kong maaalala. I got justice but this will going to torture me emotionally for years.
Naramdaman ko ang init na yumakap sa katawan ko. Rehan put his coat on me, he’s kneeling and looking gently at me.
“You did the right thing, he deserves it, none of this is your fault, it will not burden you, I promise you that,” he said. Ngumiti ako sa kaniya, hanggang sa nawalan ako ng malay sa braso niya.
“Alam niyo kung anong mangyayari sa buhay niyo? Magiging dukha kayo habang buhay!”
Those were the words my relatives kept on saying to us, na kahit anong mangyari ay hindi kami a-asenso sa buhay at mamamatay kaming walang kwenta. Maliit pa lang ako, wala na akong ibang narinig na mabuti mula sa bibig ng mga kamag-anak namin.
For whatever my father did, I don’t think we deserve this. My father was the favorite of their parents. He loved my mother and had me during their teenage years, yes, that early… hindi na nakabalik si papa sa pagaaral kaya hindi na niya natulungan ang mga kapatid niya. Maybe the reason why they are so mad at us, if it’s not because of us, kung hindi kami umating sa buhay ni papa, sana ay natulungan sila ni papa.
“Hinding hindi namin kikilalanin ang anak mo, Renato!”
As I grew older, I realized those words I kept on hearing when I was a child is breaking me… to hear those words from your aunties who you look up to before,
That’s why I prefer not seeing them. Whenever there are family events, I’d go somewhere far para lang makaiwas kasialam ko, hindi matatapos ang araw na hindi ako makakarinig ng masasakit na salita.
Ito rin ang dahilan kung bakit gusto ko na mag pursigi. I worked part time sa iba’t ibang convenient stores at fast food chains pagka-graduate ko ng highschool, para sa pangarap kong skwelahan.
I know I’m blessed for having a loving parents, I thought I was still blessed for giving me an opportunity to prove myself that I will be successful. But as I get mature, the more I see the reality of this world.
I woke up and the first thing I see is a white ceiling with lights on it. Naramdaman ko ang lamig na dulot ng air-con, tahimik at wala akong ibang marinig na kahit na ano.
I stare up the ceiling blankly. My tears started again, I remember exactly what happened to me, every detail of it.
His face, his rough hands that’s touching me, his disgusting lips,
Tangina!
I cry hard silently, gusto ko na lang mamatay! Bakit nangyari sa akin ‘to? Bakit nagagawa ng mga tao ang ganito?
Nagulat ako ng pabalibag na bumukas ang pinto. Hindi ko nagawang bumangon dahil nananatiling masakit ang buong katawan ko sa nangyari.
Nakita ko na lang na may pumasok na maraming lalaki, lahat armado, may dalang malalaking armas kaya nagsimula na naman ang takot ko. Tutuluyan na talaga nila ako dahil sa ginawa ko.
To think I only defended myself,
Sa gitna ng mga kalalakihan, nakatayo ang isang matanda na may suot na sumbrero. Tingin ko ay nasa senior na ang edad niya, naka suot din siya ng suit na kulay itim habang hawak ang tungkod na brown sa isang kamay.
He's staring at me, trying to read me maybe. If this is my end, sana naman ibigay nila ng maayos ang katawan ko sa magulang ko at huwag lang nilang itapon kung saan-saan. Sana, isipan nila ng maayos na dahilan kung paano at bakit ako namatay, naaawa ako sa sarili ko pero mas naaawa ako para sa magulang ko.
Lumapit siya sakin. I met his cold gaze, alam ko sa punto na ito, ramdam na ramdam niya ang takot ko.
I wiped my tears para mas malinaw ko na makita ang itsura niya, at least makikita ko ng maayos ang itsura ng taong tatapos sa buhay ko.
"Sir, pagtapos niyo akong patayin, pakibigay po 'yung katawan ko sa magulang ko para naman po paglamayan nila ako kahit papaano," matapang ko na sinabi.
I am shivering, that's a fact.
Pero tanggap ko na ang kahihinatnan ko, mas gugustuhin ko pa na mamatay na lang kaysa mabuhay na dala ang ala-ala na iniwan sa akin ng hayop na bumaboy sa akin.
Damn, I would rather die, ito na siguro 'yung sobrang sakit na pangyayari sa buhay mo, 'yung tipong mas pipiliin mo na lang mamatay kaysa mabuhay na pasan ang lahat ng sakit.
"For what you did to one of managers, you really deserve to die," he said.
Tumango ako, kasi tanggap ko na talaga 'yung katapusan ko.
Kill me, now please.
"What the f**k," sigaw ng isang boses lalaki mula sa taas.
Na-agaw non ang atensyon ng matandang kaharap ko. The old man smirked, like he knows what's happening.
Pumasok si Rehan, he looks angry or what. Gusto na rin ang long sleeve na suot niya at hindi na rin maayos ang neck tie na naka-suot sa kaniya.
He looked at me, nakita ko agad ang saglit na pagaalala sa mukha niya.
"What are you doing here?" Rehan asked the old man.
Hindi ko maiwasan na magpalit ng tingin sa kanilang dalawa.
"I'm paying our mice a visit, Rehan." the old man answered.
"Get out, don't make me dad," Rehan said, threating the old man and glanced on this old man's bodyguard.
Natigilan ako saglit ng tawagin niya itong 'Dad'.
Kaya pala his aura gives the same vibes with Rehan, mag-ama pala sila.
Pareho silang nakakatakot, delikado.
"It's funny I'm being kick out on my own territory," his father said, laughing a bit.
"Dad, stay away from her!" Rehan threatens, "She's the victim here, she did the right thing and I will bet my life for her if that's what you're so curious about,"
Tuluyan akong natigilan sa narinig. Nalaglag ang panga ko, pero binawi ko agad nung may tumingin.
Pero teka, ano ba 'tong sinasabi ni Rehan? May kabag 'ata siya.
I closed my eyes, ayoko silang makita. Mas lalo akong naiiyak, puta naman.
I was ready to surrender myself tapos itong si Rehan papasok para ipaglaban ang buhay ko.
Tangina! Bakit? Sino ba siya?
Marunong pa siya sa akin!
Pero s**t, naguguluhan ako.
"Fine," the old man said, he looked at me for once again and looked back again to Rehan, "Play with her for all the f**k you want, son. Once you're done, dispatch her."
Awts, gege.
Naunang lumabas 'yung matanda, sumunod na rin ang mga tauhan niya. Para akong nakahinga ng maluwag at nabawasan lahat ng tinik na nakatusok sa lalamunan ko.
Lumapit sa akin si Rehan at agad hinaplos ang noo ko.
"Wala ka na palang lagnat. Tatawagin ko 'yung doctor para tignan ka ulit."
Aalis na sana siya pero nahawakan ko agad 'yung kamay niya para pigilan siya.
"Salamat,"
Muli na naman tumulo ang luha ko. Nasasaktan talaga ako, kainis!
Hindi ko alam kung ano 'yung dapat kong maramdaman, pero puro sakit, puro kirot sa dibdib, gusto ko na lang matapos 'to,
Kaso itong isang 'to, pinaglalaban 'yung buhay ko,
Nahiya tuloy ako.
"I'm sorry kung nahuli ako," he said, na parang responsibilidad niyang nandoon siya.
Pero hindi, nagpapasalamat pa rin ako na dumating siya.
Ngumiti siya, "Nahuli 'man ako, nakita ko kung paano ka naging matapang para ipaglaban ang buhay mo,"
Muli na naman nanginig ang katawan ko, sa takot at sa mga alaala na bumabalik.
He held my hand tight, para hindi ko maramdaman ang panginginig nito.
"Hindi natin kilala ang isa't isa, pero salamat sa pagiging concern mo, Rehan."
He wiped my tears, feeling ko talaga prinsesa ako sa kaniya, grabi niya ako alagaan. Pero, ang sagwa ko namang prinsesa, sobrang sama ng nakaraan ko.
Malakas na namang bumukas ang pinto, napa-igtad ako sa takot at agad nanlaki ang mata ko.
Pero nakahinga ako ng maluwag ng makita na si Seven ito.
Bumitaw si Rehan sa kamay ko, but Seven saw that.
"I'll call the doctor, Ali."
Tumango ako kay Rehan, mukhang gusto niya lang kaming iwanan ni Seven e.
Umismid si Sev sa kaniya, "Feeling gentle huh, Rehan?"
Inilingan na lang siya ni Rehan at umalis na. Sev rolled her eyes at dumiretso na sa akin.
Nung nagtama ang mata namin, doon ko naramdaman ang pagsisisi at mga katangahang nagawa ko. Partly, wala rin akong ibang masisi kundi sarili ko. I know how dangerous this place is pero lumabas pa rin ako ng gabing-gabi.
Yes, alam ko ang kabobohan kong iyon, pinagsisihan ko at alam kong babaunin ko ang aral na 'yun hanggang kamatayan ko.
I really thought mamamatay na ako ngayon, or baka na delay lang because of Rehan.
Napaupo si Sev, feeling ko nanghina siya ng makita 'yung kalagayan ko.
"I'm sorry," she said.
I smiled, bakit ba sila nagso-sorry? Wala naman silang ginawa na masama.
"Wala ka naman kasalanan, hindi ka nagkulang sa paalala sa akin, pero makulit talaga ako," I said.
"I really wish I have power para makapag desisyon. Kung ako lang, gusto kong umalis ka na sa lugar na 'to, Alena." hinawakan niya ang kamay ko, "Hindi ito ang unang pagkakataon, marami kayo, I have seen their deaths, Alena, at ayokong mangyari 'yun sayo."
Ngumiti ako ng mapakla, "Nangyari na 'e."
"Sorry talaga, kung sana binantayan kita—"
"Sev, wala kang kasalanan. Hindi mo ako responsibilidad, marami lang talagang masamang tao sa lugar na 'to, hindi mo dapat ihingi ng tawad ang nangyari sa akin at sa iba."
She shook her head.
"Sa oras na ipikit mo ang mata mo mula sa kasamaan, dala-dala mo na rin ang kasalanan,"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Sa mundong 'to Alena, kasalanan na rin ang pumikit. I've been doing that the past years and I'm tired, seriously." Seven.
"Sev—"
"And what are your ways, Seven?"
Napalingon kami sa likod, nandoon na si Rehan kasama ang isang lalaking doktor.
Lumapig sa akin ang doktor at sinuri ang katawan ko pero ang mata ko ay nananatili kay Rehan.
"Oh, the devil is here again." Seven said, mockingly.
I don't get it why Sev is so mad at Rehan, mukha naman siyang hindi ganoon kasama, siguro sakto lang.
Oh, naalala ko 'yung kuwento nila Wren about him, na mas delikado siya kumpara kay Dario.
Kung totoo 'man o hindi, ano naman? He's kind to me, diba?
First impression lasts, totoo 'yan.
"It's much more easier to think that way Seven, than to do it accordingly, no?" Rehan.
"Ang kaibahan natin Rehan, mahal mo ang mundong 'to, ako hindi. I would rather live in mud than to continue living in this hell."
"Itong impyernong sinasabi mo ang nagbigay ng buhay sa iyo." Rehan,
"Ito rin ang sumira sa buhay ko Rehan, tandaan mo yan."
Nabaling ang atensyon ko sa doctor. Sabi niya, okay naman na raw ang vitals ko, pwera na lang sa mga pasa na mayroon ako sa buong katawan. I will undergo psychological therapy dahil sa nangyari sa akin.
"Wala na ba talagang paraan para makalabas ako, Rehan?" I asked him.
'Yung daddy niya, mukhang makapangyarihan naman. Baka puwede niyang pakiusapan na pauwiin na ako sa amin.
"Oh, Rehan can do something about that, Alena. That prick is as powerful as his father, he can bend the rules!" Seven exclaimed.
The question is, will he do it for me?
Huminga ng malalim si Rehan, nakikita ko kung paanong nahirapan siya sa isasagot niya.
Ngumiti siya ng malungkot sa akin, "I can't, I'm sorry,"