Chapter 18

1712 Words
Naalimpungatan ako ng maistorbo dahil sa walang tigil na pag door bell. Tinatamad akong bumangon sa kama at kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko katabi ang isang baril. Halos marindi ako sa walang tigil na pag doorbell. The f**k with whoever this fucker?! I opened my cellphone and cursed upon seeing it's still five in the morning, and damn, I got a hundred motherfucking missed calls from Silvana. Of course, it's her! Namumungay pa ang mata ko nang lumabas ng kwarto at tumungo sa pinto. The door bell won't stop. I bet even my neighbor is already pissed by now. Tangina! Padabog kong binuksan ang pinto only to be welcomed by cold wind. Madilim pa sa labas at walang anomang sinag pa ng araw. Bigla akong kinabahan isama mo na roon ang malamig na dulot ng hangin. "Sino yan?" I shouted, hindi ako lumabas. I silently grab my hidden gun sa loob ng vase ng halaman ko at ikinasa ito. I breathe deeply as I walk slowly palabas ng pinto. Mabilis kong itinutok ang baril pa kaliwa't kanan paglabas ko, but I saw none. What the f**k! Tumingin ako sa malayo at nakiramdam kung may tao ba sa paligid. I got shivered ng maramdamang parang may nakatingin sa akin. I smirked and shook my head, f**k this! Pumasok ako at sinara muli ang pinto, ni-lock ko lahat ng saraduhan nito maging sa pinaka tuktok na lock ay pinihit ko. I managed to form a smirk ha pero sobra sobra ang kaba ko. Tangina! Ano iyon? I'm sure as hell hindi ako nananaginip! May nag do-doorbell talaga! But, the f**k! Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinignan ang missed calls ni Silvana. Damn! Kaninang 2AM pa pala ang mga ito. Pero sino 'yung nanti-trip? Fuck! Hindi kaya minumulto na ako ng b***h na 'yon? Tangina! I can handle a person but not a f*****g ghost! I can't shoot them! To : Silvana Girl, were you at my doorstep just now? I texted her, hindi ako umaasa na magre-reply agad siya pero nagulat ako ng tumunog agad ang cellphone ko. Silvana : No, duh! I rolled my eyes. Ewan ko, pero sino 'yon? Hays, bwisit! Nawala ang antok ko at napalitan ng kaba. Malaman ko lang talaga kung sino iyon, sisiguraduhin kong mapapatay ko siya. Mark that! To Silvana : What's with a hundred missed calls? I replied. Silvana : Well, you ditched us! I was with Levi, hinihintay ka namin because you freakin promised him a drink!! Nasapo ko ang noo ko. Oh s**t! Nakalimutan ko ang tungkol diyan. And, magkasama na pala sila? Ang bilis naman. Napasalampak ako sa couch, inaantok pa talaga. Damn it! I totally forgot Levi, seriously. Si Rehan kasi, pinagod ako bago umalis kanina. Huwag sana siyang magtampo, hindi ko naman sinasadya. Rehan might be a jealous freak, but he knows he's a friend, so he will control himself. I brewed my own coffee, pasikat na ang araw at inaantok pa talaga ako pero hindi ko na magawang bumalik sa kama, ewan ko ba! Basta kapag naistorbo na ng ganoon ang tulog ko, kahit anong antok ko ay hindi ko na magawang makatulog ulit. Nagugutom na rin ako pero tinatamad akong magluto. I decided to just order online but when I opened the app, six thirty pa raw mag-start ang delivery. Goodness! Isang oras pa! Tulala akong nagka-kape magisa. Nasaan kaya si Silvana? Madalas ko na siyang hindi makasamang matulog dito sa dorm namin dahil nga busy siya sa trabaho niya bilang taga pangasiwa ng Richardson. Her family is quite big in the business kaya ganoon din siya ka-busy. Gusto ko sanang mag shopping kaso pinaghigpitan ako ni Rehan. Damn it! Nabuburyo na ako! That's when I got a message from an unknown number. +639567894353 Report to the office by 7. Nanlaki ang mata ko. Ayos! May gagawin ako. Malamang, ang head ito ng Contario. Siya lang naman ang puwedeng magpadala sa akin ng ganiyang text. Nagmadali akong naligo at nagayos. Hindi ako puwedeng ma-late kapag pinatawag ako sa office, ayaw 'yun nung kalbo na masungit. Oh, if you remember him- siya 'yung inakala ko na dean ng Contario, 'yung maraming tattoo. Siya ang head ng Contario. Siya ang nagbibigay ng trabaho, mission at nagpapadala sa iba't ibang lugar na galing sa utos ng na sa itaas niya. So if you're in Contario, under ka niya. He's Glaq by the way. I don't know if it's his real name or not, ayoko na rin alamin pa. I arrived at the office exactly six thirty. May narinig na akong tao sa loob. Usually, sila 'yung mga pinatawag para bigyan ng trabaho sa labas 'man o rito sa loob. Katulad lang din ako ng iba na sumusunod sa kaniya. There's no favoritism kahit pa girlfriend ako ng amo niya. Not that I have principles, but I got no choice tangina! Kung puwede ko lang gamitin ang label namin ni Rehan para sumarap ang buhay ko, ginawa ko na. But the f*****g rules here are absolute. Start below, work hard. When it's my turn, hindi ko na hinintay na tawagin ako. Kumatok lang ako at pumasok na. Like the usual, he's sitting in that amazing chair habang nakataas ang dalawang paa at nakapatong sa lamesa, habang naninigarilyo sa tobacco niya. "Sir, good morning!" I greeted. I did not smile, I faced him with my usual cold stare and emotionless face. I just don't like this bald, and never will, and he deserves every inch of my attitude. But of course, he doesn't know that. "I heard what happened," I nodded. "You got ambushed and whoever sold you out is still unknown. How do you like this to end?" "I want the name of traitor." Tumaas ang isang kilay niya. "Why?" "I will kill him with my bare hands." It's true, though. Nakita ko ang pag ngisi niya. "Can you?" This asshole. Hinahamon niya ba ako? "Well, do you want me to try it on you?" ako naman ang ngumisi. "I remember my grudges against your family name," Nawala ang ngisi sa labi niya. "Maybe I should ask Rehan to erase every living person under that stinky name." Kapag ganitong hinahamon kasi ako, lumalabas ang pagka maldita ko. Hindi, biro lang. Mahaba naman talaga ang pasensya ko to the point na kaya kong pagtiisan ang pagmumukha ng kalbo na 'to kahit pa kating-kati na akong patayin siya. Pero kapag minamaliit ako, nati-trigger talaga ang galit ko. I just can't help it, kadugo niya ang lumapastangan sa akin. Hindi siya nakaimik. Alam niya na kaya kong pasunurin si Rehan. Alam ng lahat ng tao rito na buburahin na sana ni Rehan sa mundo ang lahat ng kamaganak ng lumapastangan sa akin, pero pinigilan ko siya. I literally saved their asses from Rehan's wrath for me. But not from my wrath. Gusto ko na ako ang kikitil sa kanila balang araw kapag may kapangyarihan na ako. Having Rehan by my side is not enough to petrify the mafia. For them, I meant the big fishes up there, I am just Rehan's b***h who has nothing. Someday, I will have everything. Padabog niyang kinuha ang folder sa lamesa at binagsak ito sa harapan ko. "You got promoted." Natigilan ako sa sinabi niya. Binuksan ko ang folder at nakita ang promotion slip sa loob. "Spare me your surprise face, Alena. Alam natin pareho na iyan talaga ang plano mo." I couldn't help but smirk. Medyo bumibilis naman yata ang pag usbong ko? "Thank you sir," note the sarcasm on that. Sinenyasan niya lang ako na lumabas na. Malawak ang ngiti ko paglabas ng opisina niyang mabaho. Naghanap ako ng mauupuan at doon binasa ng buo ang promotion paper ko. From being a field manager, chief operation na ako. Ibig sabihin, sa office na lang ako at ako na ang magiging taga plano, taga assess sa kanila at kung ano-ano. "So that's Rehan's way of portecting you, ha!" Nagulat ako ng makita si Silvana sa tabi ko. Sa sobrang saya ko, hindi ko napansin ang paglapit niya. "Anong sinasabi mo, Silvana? Well, wala na naman dito si Rehan kung iyon ang iniisip mo." How can he protect me kung palagi naman siyang wala sa tabi ko? "Well, he assigned you just within his reach- inside Contario. You'll be on your office everyday, safe and secured. Hindi na siya magaalala na nandoon ka sa labas, nakikipag sapalaran sa panganib." Natigilan ako sa sinabi niya. Naalala ko 'yung paalala sa akin ni Rehan about these Nordeen clan. Talaga bang ginagawa niya ito? He's really thoughtful, right? Mahal talaga niya ako. "But knowing you who got principle, I'm sure you hate that promotion." Ngumiti ako ng malungkot kunwari. I couldn't help bur grin mentally. Alam pa rin niyang isa akong anghel, may prinsipyo at walang ibang inisip kundi kabutihan but my traumatic experiences has changed me. I'm not the same Alena from before. Hindi ko 'man aminin sa sarili ko, alam kong may nagbago. "Pero kaylangan kong sundin si Rehan, he warned me about the Nordeens," Saglit siyang natigilan at nagaalalang tumingin sa akin. "Right, I heard stories about them too. Kung totoong na sa paligid lang sila, kaylangan mo ngang magingat ng husto." Tumango ako, "Yep, kaya tingin ko okay na rin kung tanggapin ko ito." Of course, hindi ko ito tatanggihan dear. "You still have 2 and a half years here, Alena. Kapit lang tayo, okay? Makakalabas ka rin dito pagtapos ng apat na taon, remember? Babalik ka na sa dati mong buhay but with your diploma at makakapag trabaho ka na sa malaking company." Sumangayon ako sa sinabi niya, "Tama, Silvana. I'm doing this so I could survive." Wrong, I already got myself up here. Hindi na lang ang maka-survive ang na sa isip ko. And who cares after 4 years? Niyakap ako ni Silvana, I sigh. I'm grateful that she's here with me since the beginning. She's not just my best friend but also a sister to me. Hindi ko kakayanin na tumagal dito kung wala siya sa tabi ko. I love my best friend so much, but there are things she shouldn't know, katulad na non ang mga tumatakbong plano sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD