Chapter 69- Back to Libyn

2967 Words

Donna's Pov: "Magiging ayos ka lang kaya sa pagbabalik mo doon? Kayo?" Nawala sa p*******i ng buhok ang atensyon ko. Lumipat iyon sa repleksyon ni Fhaye na nasa salamin. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit na alam kong nag-aalala s'ya sa akin. Alam n'ya ang tungkol sa pagbabalik ko sa Libyn kasama ang iba pa. Ayaw na ayaw nga n'yang pumayag pero nakapagdesisyon na ako. Kagabi pa din s'ya umiiyak at pinipilit akong huwag na lang tumuloy pero hindi na talaga ako mapipigilan ng kahit sino. "Pupunta ka sa kuta ng mga kalaban, Donna. Natatakot akong baka hindi ka na makabalik. Baka makuha ka na nila at magtagumpay na sila sa pagkakataong ito!" Bahagya pa s'yang humikbi. Tinakpan pa n'ya ang bibig n'ya para kahit paano ay hindi ko marinig ang mahinang iyak n'ya. Umalis ako sa harap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD