Chapter 6: Kilig day
Prince P.O.V
"Sabi na eh" sabi nya
"Anong sabi na?" tanong ko
"Na Kinikilig ka" panunukso nya tsk! Tsk! Ang lakas mang trip!
Maya-maya lang din naka rating na din kami sa aming destination.
"Bahay nyo?" takang tanong nya
"Oo, Diba hinatid nyo na 'ko dito" sabi ko at naunang mag lakad at sya naman itong pinag mamasdan ang bawat dadaanan.
"Feel at home" sabi ko sa kanya habang sya manghang-mangha
"Hi Mom, Hi Dad"
Yhein-Yhein P.O.V
"Hi Mom, Hi Dad" napatingin ako sa dereksyon ng mga parents nya na naka ngiti.
"Hello po" bati ko sa parents nya.
"Mommy, Daddy sya po si Aizhel Yhein Torres Gonzalez" naka ngiti na pakilala sakin ni Prince
"Hello Aizhel!!" masiglang balik na bati nung Mommy ni Prince
"Kaano-ano mo si Mr. Gabriel Cris Gonzalez?" biglang tanong ng Daddy ni Prince
"H-He is my Dad po" sagot ko
"Really?" masigla pa din na tanong nung Mommy ni Prince
"What a destiny" sabi naman ulit nung Daddy ni Prince
"Kilala nyo po sila?" tanong ko
"Yes! Isa sila sa dahilan kung bakit successful ang kumpanya namin" naka ngiting sagot nung Daddy nya
"Call me Tita and Call him Tito and Welcome to the Family" at doon ngumiti ako sa kanila. Nag paalam muna sina Tita at Tito at itong si Prince inaya akong pumunta sa kusina at doon ko naman nakita ang sandamak-mak na pag kain.
"Destiny pala tayo" biglang sabi ni Prince
"Talaga lang ahh" nang aasar na sabi ko
"Opo, Aking Binibini"
"Sige sabi mo eh, Sabi ng Ginoo ko eh" naka ngiting sabi ko at ang Prince ngumiti ng malaki.
-
"Prince may Joke ako" sabi ko
"Ano?"
"Anong aso ang sweet?" tanong ko
"Amm hotdog?" Nag aalangang sagot nya
"Gago mainit na aso yun HAHA" sabi ko
"Sweet dog?" nag aalangan ulit na sagot nya
"No" at doon kumunot na ang noo nya
"O sige seret" ngumiti naman ako
"Asukal HAHA" sabi ko at natawa sa sariling Joke
"Asukal? Aso ba yun?" naguguluhan na tanong nya kaya ngumuso ako
"Oo.. Asu-kal HAHA" at muli akong natawa at doon nakitawa na din sya.
-
9:30 P.M ng makarating kami ni Prince dito sa tapat ng bahay.
"Thank you for the night Prince ingat" sabi ko sa kanya at sya naman itong sinisimulan ng paandarin ang motor nya
"Prince" pigil ko sa kanya
"Hmm?" Lumapit ako sa kanya at yumuko muna at muling tumingin sa mata nya
"Amm salamat talaga ah" sabi ko na hindi mapakali
"Ano ka ba? Wala yun Girl like you deserve that" sabi naman nya na naka ngiti
"Alis na ako" habol nya
"Wait" pigil ko, Nilagay ko ang hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga ko at hinalikan sya sa pisngi sabay takbo papasok ng bahay.
Prince P.O.V
Sa pag halik nya sa pisngi ko hindi ko alam kung bakit ako biglang napa baba ng motor ko at para akong tepaklong talon ng talon.
"Kinikilig ka noh?" napatigil ako sa pag talon na parang nanalo sa lotto ng marinig ko ang boses ni Chriz
"Ah, Me-Medyo" sagot ko at tinawanan naman nya ako
"Para kang babae kung maka tili, maaari kang mapag kamalang bakla" sabi nya 'Huwat? Bakla? Me?'
"Ako bakla? Chrizelle nag papa gwapo pa ako kahit alam kung subra-subra na ang ka-gwapohan ko" sabi ko sa kanya binuksan nya ang gate at lumapit sakin
"At ang pagiging mahangin mo ay subra na din. Do you like her?" tanong nya na ang laki-laki ng ngumiti kaya ngumiti din ako
"I think.... I do" sagot ko
"You do what?" tanong nya
"I do like her, I'm in love with her"
"O.M.G!!! REALLY?!! O MY GOD!! LIGAWAN MO NA!!!!" tili nya na tumatalon pa
"Parang ang bilis naman ata" sagot ko at sumimangot sya
"Tsk! Ikaw.. ikaw bahala, at ikaw din bahala ka baka maunahan ka ng iba" sabi nya na tila nang kukunsensya
"M-May number ka ba nya!" tanong ko
"Malamang kababata ako eh" sagot nya
"Pwede ko bang makuha?" Naka ngiting tanong ko
"Pwede, pero mangako ka na pag sinagot ka nya hindi mo sya sasaktan" sabi nya habang tina-type ang number sa cellphone ko
"Hindi ako marunong mangako, Pero gagawin ko"
Yhein-Yhein P.O.V
Paikot-ikot ako dito sa higaan ko hanggang sa ayon na hulog na ako sa sahig.
"O! Tanga!" gulat na may halong natatawang sabi ni Arnulfo
"HEHE" tanging sagot ko
"Bakit parang Kinikilig ka?" tanong nya
"Hindi nemen eh" pabebeng sabi ko
"Hoy kaibigan kita! Bata pa lang tayo kilala na kita kaya mo nang itanggi!" Parang naiinis ba sabi nya
"Ito talaga masyadong mainit ang ulo tsk! Oo na sige na Kinikilig na ako masaya ka na?" Sabi ko habang tumatalon
"Hoy Chriz san ka galing?" tanong ni Arnulfo kay Chrizelle na kararating lang na pulang-pula ang pisngi
"Sa garden na ngabit" sagot nya sabay tawa
"Guys" tawag ko sa dalawa kaya tumingin sila sa gawi ko
"Ang sweet nung parents ni Prince sa kanya nakaka inggit" naka ngusong sabi ko
"Nandyan naman sina Tita Zen at Tito Gab ah" sabi ni Arnulfo
"Where?" tanong ko
"Kung may parents man ako sina Mama bear at Papa bear yun at isama nyo pa ang parents nyo" dagdag ko
"Ayy True yan!!" sabi ni Chriz
FLASHBACK:
"Kumusta parents mo? Umuwi na ba sila?" tanong ni Tita
"Ok lang naman po ata sila, Amm hindi pa po sila umuuwi. Ang totoo po parang kinalimutan na nila ako, Lagi na lang si kuya minsan nga po naiisip ko na tinalikuran na nila ako, ang pagiging magulang nila. Kinalimutan nila na may bunso pa sila" at mapait naman akong ngumiti.
End of Flashback:
Pa tulog na sana ako pero biglang nag tunog ang phone ko.
From. Unregistered Number
"Hi magandang dilag"
'Magandang dilag?'
To. Kupal
"Hoy kung sino ka man wala akong oras sayo"
Pinangalanan ko itong kupal la lang trip ko lang
From. kupal
"Maganda ba araw mo ngayon?"
Me:
"Tanga gabi na"
From. Kupal
"Pelosopo ka talaga, crush na kita!"
Umiling na lang ako at di na nag reply pa bahala sya sa buhay nya.