Chapter 9: Second Date
Prince P.O.V
"Tayoto Restaurant?" tanong nya at ngumiti naman ako sabay tango sa kanya. Inalayan ko sya maka pasok at maka upo.
"Sir 3 Minutes pa po maluluto na lahat ng e norder mo" naka ngiting sabi nung Waiter kaya tumango ako
"Ni ready mo toh?" tanong nya
"Oo Hehe" sagot ko na may pakamot ulo pa.
-
"Wow! Tiba-tiba ako nito!" Naka ngiting sabi ni Yhein
"Tinanong mo kina Chriz ang favorite foods ko noh?" naka ngisi na tanong ko
"Kailangan eh" sagot ko at pasimple naman syang ngumiti
"Ano bang gusto mo sa isang lalaki?" tanong ko at tiningnan naman nya ako bago sumagot
"Ikaw" sa sagot na yun tumigil ang mundo ko 'Ayieee ako daw'
"Uhm, kung liligawan kita papayag ka ba?" Kinakabahan na tanong ko
"Bakit hindi kapa ba nanliligaw?" balik na tanong nya
"Uhm, kung dadalhin kita sa magandang lugar papayag ka ba?" Naka ngiting tanong ko
"Bakit mo'ko dadalhin don?" Balik na tanong nya
"Kasi, Uhm kasi gus-gusto kita" mabilis na nauutal na sagot ko
"Bakit purke ba gusto mo ang isang tao eh, kailangan mo nang dalhin sa magarang lugar?" Tanong nya habang ngumunguya
"Hindi naman lahat, pero special ka kasi" sagot ko
"Ano ako Rebesco?" tanong nya
"Hindi kasi mas masarap ka pa don" sagot ko
"Bakit? Natikman mo na ba ako?" Naka ngiting tanong nya at yung ngiti nyang yun nang iinis.
"Ok, sabi ko nga shut up na lang ako" naka ngusong sabi ko na sya namang kinatawa nya.
-
"San naman tayo pupunta?" tanong nya kaya napa ngiti ako kasi alam ko na yung lugar na pupuntahan namin ay magugustuhan nya.
"Secret" sagot ko. Nang maka rating kami sa destination namin ngumiti ako sa kanya
"Ow, perya?" manghang tanong nya
"Alam mo bang favorite spot ko ang perya" sabi nya ng hindi ko sya sinagot
"Bakit? Ano bang meron sa perya?" tanong ko naman
"Dito kasi nag simula ang pag iibigan nina Frans Abigail Fernandez at ni Christian Axfel Gonzalez" kwento nya with smile
"Sino yun?" tanong ko
"Destined With The Bad Boy written by. Justcallmecai My favorite author" sagot nya
"Diba Gonzalez ka?" tanong ko
Yhein-Yhein P. O. V
"Oo Gonzalez ako ano ngayon?"
"Kaano-ano mo yung Christian Axfel Gonzalez?" Ay hanep di na gets loading amp!
"Kapatid ko ata" natatawang sagot ko na syang kinakunot ng noo nya
"Akala ko ba shoge na kapatid mo?" Napa sapok naman ako ng sarili kung noo
"My god Prince! Written by. Justcallmecai nga eh, ibig Sabihin fairytale, hashtag Fiction lang" sagot ko at tumawa naman sya sabay tango
"Sakay tayo don!" Aya nya sa Perris Wheel kaya umoo ako tagal ko na din kasing hindi nakaka sakay sa mga ganito
"Wait!" Pigil ko ng akmang pipila kami
"Bakit?"tanong nya
"Diba may sakin ka sa puso?" takang tanong ko
"O-oo pero matagal na yun.. let's go!" Hinawakan nya ang pulsohan ko at hinila na ako
-
"HAHAHAHA IT WAS FUN!!" sabay naming sabi pero napansin ko na nang hihina sya
"Uwi na tayo" aya ko at pumayag naman sya. Habang nag lalakad kami napa hinto kami sa isang paputukan.
"Hi Miss Beautiful, lets make a deal, Pag tinamaan mo yung Red balloon na yun sayo na itong malaking T-T bear pero pag hindi ibibigay mo yang Gold na Relo mo samin" sabi sakin ng lalaking nasa tabi ko lang binigay nya sakin yung T-T bear
"Deal! Prince hawakan mo itong T-T bear" bumwelo ako at saka tinapon ang Darts
"Woah! Jackpot!" sabi ko
"Cool, congrats" nag shake hands kami at umalis na sila
"Cool" sabi ni Prince sakin sabay abot nung T-T bear
"Anong magandang name para dito?" Tanong ko
"Zhexian" sagot nya
"Zhexian?" Patanong na sabi ko
"Yap, Aizhel + Prexian = Zhexian" aniya
"HAHA ok, this is our Baby Zhexian" muli kaming nag lakad papunta sa pinag gararehan ng motor nya tas bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko 'Like what the f**k!! Kinikilig ako 'waaahhh!'
-
"Thank you for the night" sabi nya sabay kiss sa pisngi ko
"Always welcome" sabi nya
"This is the best night of my life HAHA" hinawakan nya ang mag kabilang pisngi ko at dinikit nya ang dulo ng ilong nya sa ilong ko
"Me too" sabi nya at ngumiti at inalis na ang pagkapatong ng ilong nya sa ilong ko
"Good Night aking Ginoo" naka ngiting sabi ko
"Good Night Aking Binibini" pinanood ko syang umalis at iniwan ako ditong kilig na kilig. Pag pasok ko sa bahay nagulat ako ng makita ko ang dalawang tao na kinaiinisan ko.
"Mom? Dad?"
"Hi Baby" sabi ni Mommy
"Ang Prinsesa ko" sabi naman ni Daddy kaya napa taas ako ng kilay
"Prinsesa na matagal pinabayaan?" patanong na kumento ko kaya nag katinginan naman sila
"Bakit pala gabi ka na?" Tanong ni Mommy
"Kayo po ba tinanong ko kung bakit 11 years nyo akong hindi pinuntahan sa Sanasra?" Balik na tanong ko pero hindi ko na hinintay kung ano pang isasagot nila umakyat na lang ako sa kwarto at nag bihis.
"Tao nga nag babago, Puso ko pa kaya?" Tweet ko at doon ko naman nabasa ang comment ni Chriz
"Sis wag kang bato" - Chriz
"Yema ko, Bigay ka ng chance" -Kiel
"We always here for you baby girl" -Arnulfo
"Sana nga madaling mag patawad" muling tweet ko
'Kung ang panginoon nga po nag papatawad tayong pa kaya' - Lara Valdez
'Open your heart langs po' -Abigail Reyes
'Be your self' -Adrian Pena
Tsk, paano ba muling bugsan ang puso? Gusto ko ulit mag mahal pero takot naman ako aish!
-
November 10
"Good morning" bati sakin ni Dad
"Morning" bati ko din pabalik kaya ngumiti sya
"Kain ka na anak" aya ni Mommy
"Calderita?" tanong ko sa kanila
"Yeah, favorite food mo yan diba?" Sabi ni Mom kaya napa lunok ako
"Mom, I'm not Kuya and hindi ko po paborito yan" sabi ko
"Ahh, o-oo nga pala" aniya
"Uhm, sa school na lang po ako kakain thank you"
"Hatid na kita sa school mo" aya ni Dad. Sana this time patunayan na nila ang pagiging magulang.