Episode 4- Backhoe

2568 Words
"Ma'am! Tawag po kayo ni Sir Gab." sigaw ng isang construction worker na nasa baba ng backhoe loader. Napasimangot si Ara na nilingon ang tauhan na nakatunghay sa kanya. Pinatay n'ya ang makina ng backhoe kanina pa tawag ng tawag ang kuya n'ya pero 'di n'ya sinasagot dahil nabasa n'ya ang text nito kanina na naroon daw sa opisina sa barracks si Devin dahil may concern daw ito sa plano at gustong ipabago. It's been 1-week simula ng mag break sila, akala ata nito kikilabutan s'ya na mawala ito sa buhay n'ya baka ipakulam pa n'ya ito sa sobrang inis n'ya. Idagdag pa na nakita n'ya sa isang news article ang tungkol kay Cortney at Devin sa isang ambush interview itinangi ni Devin ang relasyon ng dalawa habang si Cortney naman sinasabi na "Were good friends but were looking forward for the future." at ano naman ibig nitong sabihin sa bagay na yun, kapal ng face sarap ipamukha rito na hindi ito nababagay kay Devin kaya wag itong feelingera. "Asan ang sir Dado n'yo tukoy n'ya sa isa pang architect na kasama n'ya." "Nandun na din po sa office kayo na lang po ang iniintay para daw po sa revision ng plano." "Paki sabi hindi kailangan ng presence ko dun nandun naman na pala si Dado." aniya na muli ng binuhay ang makina ng backhoe at muling itinuloy ang ginagawa. May bulutong ang backhoe operator n'ya kaya wala s'ya makuhang bihasang hahawak ng backhoe delikado baka pumalpak pa kaya s'ya na lang muna ang pumalsak sa trabaho na sanay naman na s'yang mag maneho ng mga malalaking loader ng company nila. Mataas na din naman ang restriction ng lisensya n'ya kaya wala problema kahit s'ya ang mag operate ng malalaking loader nila. Kaya naman karamihan sa mga nakakakilala sa kanya talagang humahanga sa galing at kakayanan n'ya bilang babae dahil bihira ang babae na kayang gawin ang lahat ng kaya n'yang gawin. "Arabella." sigaw ng kung sino sa likuran n'ya na bahaya n'yang nilingon ang likuran gawi n'ya at napasimangot pa s'ya ng makita ang pick-up truck ng construction site nila habang nasa likuran ang kuya n'ya at si Devin na nakatingin sa kanya. Kung wala lang s'yang suot na itim na shade literal n'yang iirapan ang dalawang ito. "Stop! Kanina pa kita pinatatawag." sigaw pa ng kuya n'ya. "I'm busy kuya, 'di mo ba nakikita wala akong operator ngayon ng loader nandun naman si Dado bakit kailangan pa ako." "Ikaw ang nag drawing ng plano mas na iintindihan mo yun kesa kay Dado." "Ako ang nag drawing pero architect din si Dado next in me kaya lahat ng naka lagay sa plano alam din n'ya." "Wag mong idamay ang pinatatayo kong Hotel sa away natin dalawa. This is business Ara hindi ito basta basta na lang na itatayo mo." inis na inihinto ni Ara ang backhoe at saka tumayo na inalis ang suot na shade at ginawang headband sa ulo na humarap sa dalawang lalaki na inutos ng kuya n'ya sa driver na ihinto rin ang sasakyan para magkatapat silang tatlo pero dahil malaki ang backhoe loader na gamit n'ya bahagya pa rin nakatingala ang dalawa sa kanya. "Anong hindi malinaw sa sinabi ko. Tagalog naman yun diba? Kung may gusto kang ipabago sa plano sabihin mo kay Dado Mr. Lagdameo. Hindi mo kailangan dumerekta sa akin o mag patawag ka pa ng meeting dahil bago matapos ang plano na ipinakita namin sayo after simulan ang project na ito si Dado ang katulong ko para mabuo ang hotel mo kaya kung dederekta ka sa akin anong saysay pa ni Dado?" mahabang lintanya ni Ara na naka pamewang pa. "Fine sorry na." wika bigla ni Devin na ikinataas ng kilay ni Ara. "Sige na nag overreact ako the last time na nag-usap tayo. It's my fault sorry na wag ka ng magalit." napatingin s'ya sa kuya n'ya na parang gustong kilabutan sa mga pinag sasabi ni Devin. At s'ya naman si Tanga ang bilis kiligin ng palihim sa ganun kababaw pag hingi ng sorry. Hay! ang hirap magalit sa taong mahal mo kahit gusto mo ng isumpa at ipakulam sa huli isang simpleng sorry okay na agad s'ya. Nang ngumiti si Devin lalo ng nagkaletse-leste ang t***k ng puso n'ya hay paano pa ba n'ya pipigilan ang puso n'yang lihim na umiibig sa diablong nilalang nato. "So, Ano makikipag-usap ka na ba ng matino sa amin?" kunwari ay inis na bumuntong hininga si Ara saka tumalon na pababa ng backhoe saka sumampa sa likod ng pick-up ng kapatid after iutos sa mga tauhan na babalik s'ya. "Anong nginingiti mo d'yan 'di ka nakakatuwa Mr. Lagdameo." kunwari ay suplada na usal n'ya rito. "Nakakamiss din pala yung amoy mo?" "Wag mo akong simulan downy kung ayaw mong mag amoy kulob na damit na di na arawan." natawa naman ang kuya n'ya na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Hindi talaga kayo puwedeng mag pakasal baka maubos ang kagamitan sa bahay n'yo kapag ipinilit sila Dad ang usapan sa pagitan n'yo ni Ara." wika ni Gabriel na iiling-iling. "Ang totoo n'yang Kuya ikaw talaga ang gusto ko puwede ba?" ngisi ni Devin na yayakap sana sa braso ni Gab na umiwas na tatawa-tawa. 'Di naman naiwasan ni Ara ang mapangiti sa biro ni Devin. "Yung article about sayo at Ms. David totoo ba yun?" "Don't mind it! It was just for Cortney publicity. I heard na papasukin na n'ya ata ang mundo ng showbiz kaya kailangan maging matunog ang pangalan n'ya sa showbusiness industry." sagot ni Devin na palingon-lingon sa kanya na kunwari deadma ang s'yang palinga-linga sa paligid. "Papasok s'ya sa showbiz sabagay she has the face." pakibit balikat na sagot ni Gabriel. Pag dating sa office barracks nila naunang bumaba ang dalawang lalaki. Napataas pa ang kilay ni Ara ng makitang inabangan s'ya ni Devin na bumaba na balak pa s'yang alalayan napatingin pa s'ya sa kamay nito. "Ano baba na? Gusto mo ba buhatin pa kita d'yan?" "Alam mo ang plastic mo? "Nag sorry na ako diba bakit galit ka pa rin." maktol ni Devin ng 'di n'ya kunin ang kamay nito at basta na lang s'ya bumaba mag-isa. "Yung buwisit ko sa'yo hindi madadala sa isang sorry mo lang anong feeling mo closse tayo?" irap pa n'ya rito saka na una ng pumasok sa loob ng office nila. Naroon na ang ibang engr. na kasama sa malaking project na iyon, agad naman s'yang sinalubong ni Dado saka may inexplain sa kanya. Umabot halos ng 30 minutes ang diskusyon nila sa gustong ipabago ni Devin sa plano na ang ending napilitan na silang sundin ito dahil ito naman ang may-ari ng hotel na itatayo yung lang sa gusto nitong mangyari baka abutin ng 3 years ang pag tatayo ng hotel na iyon. Gusto kasing mangyari ni Devin ay gayahin ang mga hotel sa ibang bansa na mga high technology na which is maganda naman ang gusto nitong mangyari kaso lang tatagal lang talaga sila pero according to Devin wala naman probema kung tumagal basta masunod lang ang gusto nitong design at walang problema sa budget. "Bela!" sabay-sabay pa silang napalingon ng mga kuya n'ya at Devin ng marinig ang bagong dating na si Luzifer. Umasim naman agad ang mukha ni Devin kung 'di lang n'ya kilala ang binata, iisipin n'ya nag seselos ito kay Luzi. "Luzi, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Gab. Lately lang n'ya nalaman na mag tropa pala ang Kuya Gab n'ya at si Luzi noong nasa high school pa lang ang mga ito. Nang mag college lang daw ang mga ito ng magkahiwalay-hiwalay ang mga ito noon. "Yayain ko sana si Bela na mag lunch." "9:30 pa lang ng umaga Mr. Brichmore, napaka-aga mo naman manligaw." supladong tanong ni Devin. "Kamusta Mr. Lagdameo." ngiti lang ni Luzi na 'di pinansin ang pag susuplado ni Devin. "Inagahan ko na magyaya para hindi ako maunahan ng iba." "Nilalagawan mo ba ang kapatid ko?" tanong naman ni Gab. "Sana kung papayag si Bela." baling ni Luzi kay Ara na tumirik ang mata. "Mag hanap ka na lang ng ibang pugad bro meron ng nag mamay-ari ng ng ibon na gusto mong pugadan." ngisi ni Gab na tinapik sa balikat si Devin. "Hindi pa naman sila kasal kaya wala naman sigurong masama kung umeksena muna ako." "Kuya, diba sabi pang patibay ng mga pundasyon ng building ang dugo ng tao?" natawa naman si Ara na nilingo si Devin. "Oo, pero hindi gawain ng kumpanya ko yun lalo itong si Luzi ang uubusan natin ng dugo baka mag ka problema tayo kay Tita Pipay. Tayo ang mapalibing ng buhay." biro naman ni Gab. "May problema ka ba sa akin Mr. Lagdameo?" "Hindi pa ba halata? Manhid ka kung 'di ka aware." tumawa si Luzi na umiling-iling. "Bela?" "Sorry, Luzi. Ang dami ko kasing tatapusin ngayon maybe some other time na lang." sagot na rin ni Ara na walang paalam na sumakay ng likod muli ng pick-up at di na nag paalam sa mga lalaking kasama at inutusan na ang driver na umalis na sila. "Wala ka talagang pag-asa Luzi, humanap ka na lang ng ibang babaeng liligawan." wika naman ni Gab na saglit na nag paalam ng mag ring ang phone para sagutin. "Lakas naman ng loob mo na ligawan ang fiancee' ko sa harapan ko pa mismo." ngumiti naman si Luzi na nakakaloko. "fiancee' mo lang s'ya sa salita Mr. Lagdameo or should I call you Lghtningvolt." hindi agad naka-imik si Devin, paano nito nalaman ang tungkol sa kanya. "Don't worry rules is rules kunwari wala akong alam." "Night Panther." mahinang usal n'ya. Ngumiti naman ito tanda ng pag sang-ayon na tama s'ya ng hula. "I can sue the headmaster for "I can sue the headmaster for revealing my identity and I will make sure na mag kakaproblema sa akin ang underworld." "Kaya mong idemanda ang sarili mong ina?" ngisi pa ni Luzi na ikina-atras ni Devin sa narinig. Paanong ina n'ya? lalaki ang kausap n'ya sa tuwing tatawag s'ya. "Wag kang mag-alala, I can keep secret naman mataas ang respeto ko kay headmaster at s'ya rin naman ang idol ko kaya rest assure na tayo lang ang makakaaalam kung sino ka talaga." napakuyom ng kamay si Devin. "Stay away from Ara." mariin n'yang usal. "Bakit sino ka ba para pigilan ako? Asawa ka na ba n'ya." "Don't push your luck Mr. Brichmore baka magulat ka kung sa kung anong kaya kong gawin." "Edi makipag sabayan ka sa akin as far as i know arrange marriage lang kayo ni Bela. Manligaw da sa kanya ang may the bestman win." umatras si Luzi na kumaway pa inis na napasunod na lang ng tingin si Devin kay Luzi na papalayo. Paano ba s'ya manliligaw e hindi nga s'ya marunong manligaw at nakakahiyaman aminin wala pa s'yang expirience sa babae. At wala kahit isang nakakaalam nun that at the age of 33 virgin pa rin s'ya believe it or not. Pakiramdam kasi n'ya hindi tama na makikipag s*x na lang s'ya sa mga kung sino sinong babae for the sake of his need as a man. Kaya paano s'ya manliligaw kay Ara tiyak na pagtatawanan s'ya nito kapag nalaman na wala pa s'yang expirience sa babae kaya si Cortney pang display lang n'ya para lang mag mukha s'yang may s*x life. Pero kung 'di naman s'ya kikilos baka maisahan s'ya ng Luzifer Brichmore na yun na masyadong consistent kahit sa underworld naka buntot ito kay Ara na ibig sabihin lang kilala ng dalawa ang isa't-isa. Mas una n'yang nakilala sa Ara sa kanya ito nakatakdang ipakasal tanga na lang naman n'ya kung hahayaan pa n'yang maagaw ng iba si Ara sa kanya. Kailangan na may gawin s'ya para 'di mapunta sa iba si Ara kaso nakakasagad din naman kasi minsan ng pasensya si Ara, minsan pakiramdam n'ya the feeling is mutual puro na nga s'ya paramdam at inaabot talaga s'ya ng torpe pero reyna ata ito ng kamanhidan 'di man lang yata nito na raramdaman ang mga effort n'ya. Matagal naman na n'ya gustong umamin pero lagi na lang kapag aamin na sya saka naman s'ya inaabot ng hiya. Tulad na lang ng gabi na pumunta s'ya sa condo ni Ara balak na sana n'yang umamin rito after n'yang mag propose bilang si Lightningvolt na agad naman s'yang sinupalpal ng dalaga. Paano pa kung harapan n'yang sasabihin baka mapahiya lang s'ya kaya inaabot talaga s'ya ng hiya kaya ang ending nag kapikunan pa silang dalawa. Napabuga na tingungo na n'ya ang kotse na dala at sinundan si Ara. Bahala na kailangan may sabihin na s'ya bago pa s'ya maunahan ng sugo ng impiyerno. Mula pa sa malayo kita na n'ya si Ara na nag ooperate ng backhoe loader, sinong mag-aakala na ang isang maganda at mayamang babae not to mention na may lahing royal blood ang dalaga ay makikita mo na laging nakababad sa ilalim ng init ng araw at on hand na tumutulong sa site work. Kapag meron mga kulang na tao tulad ngayon according to Gab hindi nakapasok ang backhow operator kaya si Ara ang pansamantalang nag ooperate ng backhoe, minsan naman nakikita n'ya power shovel excavator ang eni-ooperate. minsan dump truck na pagkalakilaki na puno ng buhangin. Ang liit-liit ng braso nito pero kayang i handle ang ganun klaseng kalalaking mga truck kaya kahanga-hanga talaga ito. Walang ka arte-arte sa katawan, kaya 'di na s'ya nag tataka kung bakit ito na gustuhan ng parents n'ya at alam n'yang idinadahilan na lang ng mga ito ang negosyo pero alam n'ya na napahanga at nakuha ni Ara ang respeto ng parents n'ya. Kaya naman kailangan na may gawin s'ya para hindi na ito mapunta pa sa iba kailangan lang n'ya mag-isip ng maayos na paraan na hindi na ito makakatangi at makaurong sa kasal nila. "Boss! Maam! Chief! Mayor!" tawag ni Devin kay Ara ng matapatan na n'ya ang backhoe na sinasakyan nito na pansamantalang naka hinto dahil na uunload ang isang truck ng buhangin na aayusin naman ni Ara gamit ang backhoe. "Hoy! Pasaway ka. Anong ginagawa mo dito Downy." bulalas ni Ara na inangat ang suot na shade papunta sa ulo. "Kain tayo ng lunch mamaya. Susunduin kita mamaya." "Hindi puwede, tinangihan ko nga si Luzi. Ikaw naman ang eepal. Tsupi na wag kang abala dito sa site." "Hindi ako aalis dito hanggat di ka na payag." "Devin." inis na anggil ni Ara. "I won't take no for an answer." "Hay! Magulo ka pa sa bul*** na hindi inaahit." inis na bulalas ni Ara na ikinatawa ni Devin. Minsan talaga ang bunganga nito ang sarap lamukusin ng halik kung ano-ano minsan ang lumalabas. "Ano dadaanan kita mamaya ha." "Oo na! Oo na! Alis na!" taboy ni Ara. "Ara." "Ano?" "Ang ganda mo pala kapag makulimlim." "Gago! Umalis ka na baka magkulimlim paningin mo sa akin." Nang hindi pa umalis ang kotse ni Devin mabilis na pinagalaw ni Ara ang claw ng backhoe patungo sa bagong bagong kotse ni Devin na mabilis na napa-atras. Natawa naman si Ara na nilingon si Devin na pinaatras ang kotse habang naka labas ang isang kamay nitong kumakaway. Wala s'yang kangiti-ngiti pero lintik ang puso n'ya nag tatalon sa tuwa dahil sa pag yaya ni Devin ng lunch sa kanya. Minsan lang ito may sapi kaya samantalahin na n'ya, ang sarap siguro na maging boyfriend talaga ito. Kelan kaya mangyayari yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD