CHAPTER 8 Curse Beauty… Many people thought that it’s always been an advantage, an asset and sometimes, a weapon. But it, being a curse is so underrated. And that’s what I think of beauty, a curse. After magsuntukan nina Zanrell at Gideon, napatawag sila sa Dean’s office. Akala ko nga ay madadawit ang pangalan ko, mabuti at hindi naman ni-mention ng dalawa ang tungkol sa ‘kin. “Are you sure, Ria?” nagdududang tanong sa ‘kin ni Cecil nang ikuwento niya sa ‘kin ang mga nangyari kahapon pag-alis ko. “Pero bakit nando’n ka sa footage noong nagsuntukan ang dalawa? At hawak mo pa ang kamay ni Zanrell.” Iniisip niya na may kinalaman talaga ako sa away ng dalawa. Ni-review rin kasi ang CCTV sa hallway kung saan sila nagsuntukan. Parehong may sugat ang dalawa pero mas malal

