CK's POV: Napa irap ako ng makita 'kong mag flash muli sa screen ng cellphone 'ko ang pangalan ni Xavier. Wala pang three hours pero pang twenty two missed call niya na ngayon at eleven messages na rin ang na tanggap 'ko mula sa kaniya. Akala mo naman ay hindi mabubuhay ng walang alalay ang isang 'yun. Nakakalimutan niya ata na linggo ngayon at pag linggo ay day-off 'ko sa pagiging chimimay niya. Nag silent ako ng phone at inilagay iyon sa bag 'ko. Alam naman ni Xavier na busy ako ngayon dahil gagawa ako ng research paper pero talagang sinisira niya ang araw 'ko ng dahil lang sa pag reject 'ko sa kaniya kagabi. Oo ni reject 'ko si Xavier. Muntikan niya na nga akong mahalikan kagabi buti na lang talaga ay nakapag pigil pa ako---kung hindi ay baka 'goodbye V' na ako ngayon at hindi maka ba

