CK's POV: "Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya pagkalabas 'ko pa lang ng kwarto. Sigurado ako na napansin nito agad na nakabihis ako. Nakita 'ko rin si Orange na kasabay nilang kumakain. "m-may.. may aasikasuhin lang ako." Pag dadahilan 'ko sa mga 'to. Ang totoo niyan ay araw ng check up 'ko. Ayoko pabayaan ang pagdadalang tao 'ko kahit pa sa ganitong sitwasyon. Mas mabuti rin na wala munang nakaka alam tungkol sa pag bubuntis 'ko. Ayoko na makadagdag pa ito sa iisipin ng iba. "Gusto mo bang samahan na kita?" Tanong ni Orange na mabilis 'ko namang tinaggihan. "I'm fine. Sandali lang naman ako." Tumango naman ito at tuluyan na akong umalis ng bahay. Mag dadalawang linggo pa lang simula ng magkagulo pero pakiramdam 'ko taon na ang lumipas. Hindi 'ko ma itatanggi sa sarili 'ko na walang araw

