Chapter 6

1185 Words
Sa hapag ay magkakasalo na silang kumakain ng hapunan. Ang Don ay nasa gitna, sa gilid ay ang kanilang ina. Sa kabilang gilid nito ay si Jacob. Katabi naman siya ng lalaki. Iyon ang lagi nilang puwesto kapag sama-sama sila. Ngayon nga ay tahimik silang kumakain. "I think this is a good day. A good start for all of us," bulalas ng Don. Siyang pumukaw sa tahimik na paligid. Napakaseryoso kasi ng lahat. Para kay Alea, isa sa pinakamabigat na sitwasyon ang oras na iyon. For the first time nakasalo nila ulit si Jacob sa hapag.. Ngumiti lamang ang kanilang ina. Alam ni Alea na pilit lamang iyon. Nagpatuloy lamang siya sa mabagal na pagsubo. Ramdam ni Alea ang tila mabigat na awra na nanggagaling sa katabi niya. Tanging ang kanilang ama lamang ang mukhang masaya. Kung anong dahilan ay hindi niya alam. Nang muli itong magsalita. "Kailan mo gustong magpakasal, Jacob. Napag-usapan na ba ninyo ni Alea kung saan at kailan?" tanong ng Don. Bumara ang nilulunok na pagkain ni Alea. Napaubo siya kaya mabilis na inabot ang juice na nasa kanyang gilid. Pagkatapos noon ay hindi siya makapaniwalang napatingin kay Jacob. Nanatili lamang itong seryoso. Maging noong bitiwan nito ang kubyertos na hawak at magpunas ng napkin sa bibig ay seryoso ito. Hinarap nito ang ama. "Sa madaling panahon, Pa. Hindi namin kailangan ng magarbong kasal. Tama na ang tayo-tayo lamang. Ayaw kong makagawa ng negatibong ingay dahil sa pagpapakasal namin. Remember, we are siblings in the eyes of the law and people. Kahit sabihin na ampon si Alea," mahabang paliwanag nito. Makakagawa naman ng paraan ang ama. Mapera ito at malaking tao. Maraming kakilala ulang isakatuparan ang gusto. Ano ang nangyari? Walang maintindihan si Alea sa biglang pagbabago ng desisyon ni Jacob? May kinalaman ba sa sinabi nito kanina? Akala niya ay hindi niya makukuha ang gusto. Bakit binibigay na nito agad na walang kahirap-hirap? May binabalak ba ito? "You are ready, right?" tanong ni Jacob nang sa kanya na bumaling. Napalunok siya at hindi nakasagot agad. Parang hindi nagsi-sink in sa kanya ang sinasabi nito. "Puwede naman na hindi kayo magmadali, hijo," singit ng kanilang ina. Puno ng pag-aalala. "Let them! Matagal ko ng gusto na magpakasal sila. Kung puwedeng bukas ay bukas na!" matigas na ika ng Don sa kanilang ina. Natahimik na lang ang ginang dahil wala naman na talaga itong magagawa pa. Her voice against her husband will not do anything. Baka lalo lamang lumala ang sitwasyon. Tigalgal pa rin at litong lito si Alea. Kanina lamang ay sinisisi siya ni Jacob sa pag-alis ni Genelyn. Anong nangyari? "Are you done?" biglang tanong ni Jacob sa kanya. Napatingin ito sa pagkain niyang hindi pa masyadong nababawasan. Tumango na lamang siya. "Then, let's talk in my office," anyang nauna ng tumayo. "Excuse us," paalam pa ng lalaki sa mga magulang. Tipid siyang ngumiti sa Don at sa kanyang ina nang matuon ang tingin ng mga ito sa kanya. Nagpunas siya ng napkin sa labi bago tumayo para sundan si Jacob. "Excuse me. Ma, the food is delicious," puri pa niya sa ina. Tipid lamang itong ngumiti. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa opisina ng lalaki. Gaya ng ama nito, may sariling working station rin ito sa mansiyon. Workaholic ang mag-ama kaya hindi na bago ang ganoong set-up. Nadatnan niyang nakaupo si Jacob sa harap ng mesa nito. Nakatukod ang mga siko nito sa mesa at magkasalikop na nasa noo ang mga kamay. Nakapikit ito at parang nag-iisip. Nanatili ang mga mata niya dito nang magmulat ito at sinalubong ang titig niya. Mabigat na mga mata ang agad na tumunghay sa kanya. "Are you happy?" tanong nito. Sa tono ay nang-uuyam. "Why all of a sudden?" imbes na sumagot ay tanong ni Alea sa lalaki. Napahalukipkip siya sa braso habang nanatiling nasa malapit sa may pinto. "Hindi ba ito ang gusto mo? Bakit kailangan mo pang kuwestiyunin kung bakit agad-agad? You should be happy and celebrate!" may riing ika nito. Ramdam ni Alea ang pinipigilang galit ni Jacob. Hindi niya ito masisisi. Ngunit ayaw niya ring idiin ang sarili sa kinasasadlakan nilang sitwasyon. Oo, gusto niya si Jacob at nais niya ang pagmamahal nito. Gusto niyang subukan ang lahat baka sakaling kaya siyang mahalin nito. Pero akala niya talaga ay paghihirapan pa niya. "Let's get married tomorrow. Naayos na ang mga papeles natin. Let's fly to Hongkong tomorrow morning. Evening will be our wedding night," sabi nitong may inilabas na box sa drawer. Tumayo ito at lumapit sa kanya dahil nanatili lamang siya sa kinatatayuan. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa kilos ng lalaki. Binuksan nito ang box sa kanyang harap. Sinubukan niyang huwag magpakita ng anumang reaksiyon nang makitang singsing iyon. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay iyon sa kanyang palasingsingan. "Let's get it done!" matigas na bulong nito pagkatapos mailagay ang singsing. Hinila niya ang kamay niyang hawak nito nang hindi niya mapigilan ang panginginig. Itinago niya ang nanginginig na kamay sa kanyang likuran bago muling iangat ang tingin sa lalaking napakalapit lamang sa kanya. "Make it sure, Jacob. Ayaw ko na iniiwan ako sa ere. I don't want a run away groom," sabi niyang pilit tinatagan ang sarili. Kay lakas ng kabig ng dibdib niya dahil malapit ito sa kanya. Humalakhak ito. Halakhal na walang kasamang kasiyahan. Nang-uuyam iyon kasama ang matalim nitong titig sa kanya. "Don't worry, I will not run, Alea. Tingnan na lang natin kung sino ang susuko sa sitwasyong ito. You planned this. You want this! Titiyakin kong ikaw ang susuko. Ikaw ang mismong mag mamakaawa sa akin na hiwalayan ka!" Nanlamig si Alea sa katagang narinig mula kay Jacob. Pero katulad nito, matigas siya. Hindi siya papatalo. "See you tomorrow then my future husband!" sabi niyang inabot ang mukha ni Jacob. Inilayo nito ang mukha sa kanyang palad. Tila nandidiring lumayo sa kanya. Masakit iyon kay Alea. Ngayon pa lamang ay ipinapakita na nito ang disgusto sa kanya bilang asawa. "By the way...it's not my fault Genelyn left you," sabi niya. Mabilis na lumipad ang tingin nito sa kanya. Kung kanina ay umiwas ito, ngayon ay tila kidlat na nakalapit sa kanya at agad na mahigput siyang hinawakan sa braso. Mahigpit at ramdam niya ang mga kuko nito sa kanyang balat. "Huwag na huwag mong tatawagin ang pangalan niya! Wala kang karapanatan na banggitin ang pangalan niya!" babala nitong namamaos. Pinipigilan ang marinding galit na gustong pumutok sa kanyang sistema. "Mabuting tao si Genelyn para tawagin ng babaeng tulad mo!" Hindi siya nagpatalo. Nasasaktan man ay nagawa niyang ikawit ang isang kamay sa batok ng lalaki. Sa isang iglap ay sakop na niya ang labi nito. Ang mahigpit na pagkakahawak nito sa isa niyang braso ay lalong humigpit. Pakiramdam niya ay mababali ang kanyang kamay. Hindi ito tumugon ngunit tumagal ng ilang segundo ang halik. Siya na rin ang tumapos roon. Hinila niya ang kamay niya sa pagkakahawak nito. Tumalikod siya at walang sabi-sabing iniwan ito.. Bago pa man tuluyang pumatak ang luhang bigla na lamang namuo. Kailangan niyang makaalis doon bago pa nito makita kung gaano siya kahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD