"Senyorita, pinapatawag kayo ni don Armando. Gusto niya raw kayong makausap," tawag sa kanya ni Liezle. Nakatayo ngayon ito sa paanan ng kanyang kama.
Malalim na hininga ang pinakawalan niya bago bumangon at balingan si Liezle.
"Can I just stay here for a while. Ano raw ba ang kailangan ni Daddy?" tanong niya kay Liezle na halata sa boses ang kaunting iritasyon.
Umiling si Liezle habang lumihis ang tingin nang malantad ang kanyang katawan mula sa kumot.
Inabot niya ang roba na nakapatong sa kanyang side table at isinuot iyon. Napilitan na rin siyang bumaba sa kanyang kama. Alam niyang malabong malaman ni Liezle ang pakay ng ama kaya haharapin na lamang niya ito. Tutal, huling linggo na niya roon sa mansiyon. Pinayagan na rin kasi siyang tirhan ang condo unit na regalo ng mga ito noong grumadweyt siya. Nakapangalan sa kanya at buong buo na kanya iyon.
"'Kay. Tell them I will be there in 10 minutes. I need to shower first. Mauna na silang kumain."
Pagkalabas ni Liezle ay agad siyang nagtungo sa malaking banyo sa kanyang kuwarto. Pagbungad pa lamang niya sa pinto ay kitang kita na ang repleksiyon niya sa malaking salamin. Sa kaliwang bahagi ay may malaking tub at sa tabi nito ay isang walk-in shower. Sa kanang bahagi naman nito ay ang toilet bowl.
Tinanggal niya ang suot na roba. Lumantad ang kanyang malulusog na dibdib at ang makinis at maputing balat. Wala siyang anumang suot na damit sa pagtulog. Tanging isang manipis at maliit na tela lamang ang hinayaan niyang nakatakip. At iyon ay panloob sa baba. Kumportable kasi siyang nakakatulog kapag walang saplot sa katawan. Tutal ay wala naman siyang kasama at locked lagi ang kanyang pinto. Tanging si Liezle lamang na bodyguard niya ang may susi at hinahayaan niyang pumasok lalo na kapag importante ang sasabihin.
Pumasok siya sa walk-in shower na hubo't hubad. Dinama ng kanyang balat ang maaligamgam na tubig. Doon ay tuluyang nagising ang kanyang diwa. Ang pag-agos ng tubig sa kanyang katawan ay tila pag-agos rin ng kanyang kaluluwa sa pangyayari kagabi.
Mula sa paghilod sa katawan ay napunta ang isa niyang kamay sa kanyang braso. May bakat ng pasa iyon dahil sa mahigpit na hawak ni Jacob kagabi. Hinimas niya iyon habang patuloy na nilulunod ang sarili sa isang desisyon. Desisyong na dahilan kung saan siya tuluyang kamumuhian ni Jacob.
Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis lamang siya ng pambahay. Isang spaghetti strap at shorts na maiksi at halos kita na ang mapuputi at mabibilog na pisngi ng kanyang puwetan. Ganoon naman siya manamit at wala halos pakialam ang mga kasamahan.
"Morning dad, mom," bati niya sa mga magulang na nag-uumpisa nang kumain. Humalik siya sa pisngi ng mga ito bago maupo katabi ng ina.
"How's your night, hija?" tanong agad ng kanyang ama habang kumukuha siya ng pancake. Iyon kasi ang malapit sa kanya.
Napatigil siya sa tanong nito. Ngunit agad niyang inayos ang sarili at naglagay ng ngiti sa kanyang mga labi bago ito sagutin. "Fine, dad. I really enjoyed last night."
Sinungaling! Napakagaling niya talagang magsinungaling sa harap ng mga magulang lalo na kung patungkol sa nararamdaman niya at kay Jacob.
Muli siyang ngumiti bago bumaba ang tingin sa pancake na inilagay sa kanyang pinggan. Sa pagkakatitig doon ay napawi ang kanyang ngiti. Dumaan na naman ang sakit sa kanyang puso lalo nang maalala ang pangyayari kagabi.
Napahigpit ang hawak niya sa tinidor. Tila nakikita niya ang mga mukha ni Genelyn at Jacob na masaya sa isat isa. Pakakasalan ni Jacob si Gen at hindi niya kayang tanggapin iyon.
"Dad..." tawag niya sa ama. Muli niyang itinaas ang mukha at tumitig sa mga mata nito. Natuon rin ang pansin nito sa kanya. "Payag na po akong pakasal kami ni Jacob. I want it as soon as possible, dad," diretsong pahayag niya.
Napatitig nang husto ang kanyang ama sa kanya. Ang kanyang ina sa kanyang tabi ay nabitiwan bigla ang kubyertos na hawak dahil sa sinabi niya.
"Sigurado ka ba, hija?" tila nalilitong tanong ng ina sa kanyang tabi. Hinaplos nito ang kanyang braso.
Bumaling siya rito at mapait na ngumiti bago marahang tumango.
"Why all of a sudden?" muling tanong nito.
Ang mapait na ngiti ay lalong naging mapait sa tanong na iyon. Tila pa nga nasa loob na ng kanyang bunganga ang pait. Ayaw niyang mabigo. Ayaw niyang pakawalan si Jacob. Kung ang pagpayag na makasal sila ni Jacob ay ang paraan para mapasakanya ang lalaki ay gavawin niya.
"Mahal ko po si Jacob. Gusto ko pong subukang mahalin niya ako na walang sagabal. Kung kasal na kami, wala na pong iba. Lalo na sa parte niya..." pahayag niya. Hindi na niya kailangan sabihin na dahil takot siyang ikasal ito kay Genelyn.
"Kung ganoon, ipapakasal ko kayo agad..."
"Armando!"
"Imelda! Doon din mapupunta ang lahat. I respected, Alea's wish na huwag muna at hayaan lang ang gago mong anak sa gustong gawin. Ngayon na nakapag-isip-isip na siya, itutuloy ko ang kagustuhan kong ipakasal sila!"
Malungkot siyang napatingin sa ina nang mag-umpisa ang mga sa hindi pagkakaunawaan. Ngayon niya lamang nakita ang inang sumalungat sa asawa. Inabot niya ang kamay ng ina at pinisil iyon.
"Ayaw mo ba sa akin, mom?"
Marahas na umiling ito sa tanong niya.
"Gusto kita, Alea, anak. Pamilya ka namin. Ikaw ang nag-iisang prinsesa ko," sabi ni Imelda na makahulugang tumitig sa kanya. "Ngunit, alam kong hindi pa kayo handang pareho ni Jacob." Napatungo siya sa sinabi nito. Hindi na niya kayang salubungin ang mg tingin ng ina. "Pinag-usapan na natin ito, Armando," muling asik nito sa asawa.
Tama naman ang kinilalang ina. Hindi pa nga sila handa. Kaya nga noong i-propose iyon ng don ay hindi siya pumapayag sa agarang pagpapakasal. Dinahilan niya ritong hindi pa siya handa. Lalo na si Jacob. Gusto sana niyang ilapit muna ang sarili. Ngunit nang malaman nito ang balak ng ama ay lalo na siyang iniwasan nito. Lantaran siyang tinanggihan.
Hinarap niyang muli ang ina.
"Ma, handa ako. Handa ko rin harapin si Jacob," sabi niyang puno ng tapang. Desidido na siya sa gagawin.
Natapos ang usapang iyon na walang nagawa ang ina ni Alea. Desisyon pa rin ni don Armando ang nasunod. Kung noon ay hinahayaan nito si Jacob sa pakikipaglaro at ang pagsuway nito sa kanya. Ngayon ay titiyakin niyang susunod ang anak sa kagustuhan niya.
Hindi lamang dahil sa kapamilya na nila si Alea kaya gusto niyang ito ang pakasalan ng nag-iisa at tunay na kadugo. Nakitaan niya kasi si Alea ng potential sa mga negosyo. Kung magsasama ang dalawa, alam niyang lalo silang aangat.
Isa pang dahilan, ayaw niyang mapunta sa ibang tao ang pinaghirapan niya. Pera at negosyo. Alam niyang mahahawakan niya sa leeg si Alea.
Ngayon ay nasa opisina si Don Armando. Nakatayo ang malaki nilang gusali sa puso ng Makati. Main branch nila iyon at halos doon ang lahat ng transaction sa kanyang mga negosyo.
"Sir, narito na po si Mr. Benitez," ika ng sekretarya niya mula sa intercom.
"Papasukin mo siya, Anna."
Pinatawag niya ang anak doon upang kausapin sa planong agarang pagpapakasal kay Alea. Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa.
"Sir?" tawag sa kanya ng anak. Sa trabaho, walang anak sa kanya. Kahit ito pa ngayon ang COO o Chief Operating Offiicer ng kompanya, siya pa rin naman ang may-ari at nakakataas. Ngunit handa na niyang i-give up iyon. Gusto na rin niyang magpahinga at mag-relax. Makasal lamang ito kay Alea. Sa babaeng pinili niya para rito.
"Maupo ka, hijo," sabi niya nang bumungad ang anak at palapit na sa kanya. Kitang kita ni Armando ang gulat sa mukha ng anak sa ginawa niyang pagtawag dito. Hindi niya ito masisisi, ngayon lamang siya mahinahon na kausap ang anak.
Sa parte naman ni Jacob ay may duda na siya. Sa tono pa lamang ng ama ay tila alam na niya ang tinatakbo ng utak nito. At ipinapangako niya sa sarili, anuman ang kahihinatnan ng pag-uusap nila ngayon ay hinding-hindi siya patitinag dito.
Nanatiling nakatayo si Jacob at hindi sumunod sa ama. Hinintay itong muling magsalita. Nag-iba naman ang ekspresiyon ng ama. Nahing matigas na muli ito. Nawala ang kanina ay amu-amuhan nitong mukha.
"You will marry Alea as soon as poss..."
"No!"
"Jacob!" Agad na napatayo ang kanyang ama. Namumula ito sa galit sa lantaran niyang pagtanggi.
"Ilang beses ko ba kailangang sabihin na hindi ako papayag. Dad, I am your son! Sana naman, isipin ninyo ang kaligayahan ko. Ang kapakanan ko!"
"Kapakanan mo ang iniisip ko, Jacob!"
Marahas na napailing si Jacob sa ama.
"Kapakanan mo, Dad. Not mine! At kapakanan ng anak-anakan mo!" balik na sagot niya. Tumalikod para umalis. Ngunit bago pa niya mabuksan ang pinto ay narinig niya ang ama na muling nagsalita.
"Hindi ako mangingiming tanggalin lahat ang pribelehiyong nakakamtan mo dahil sa anak kita, Jacob! I will cut everything! Mas magiging mahirap ka pa sa daga!" banta nito sa kanya na ilang beses na rin naman niyang narinig mula rito.
Napatigil siya at napapikit. Pagmulat niya ay buo na ang desisyon niya. Gaya ng sinabi niya kay Genelyn. Handa siyang maghirap huwag lamang makasal kay Alea at mawalay sa babaeng minamahal.
"You are free to do what you want, dad. Itakwil ninyo ako kung iyon ang gusto niyo. But never kong pakakasalan si Alea. Hindi ko siya mahal. At lalong hindi ko siya mamahalin dahil.sa pamimilit ninyo!" ika niyang mabilis na nilisan ang opisina ng ama. Mula sa paglalakad niya palayo ay rinig niya ang kalampagan sa loob.
Wala na siyang pakialam pa sa kayamanan ng ama. Noon pa man ay pinaghihirapan na niyang makuha ang mga bagay na gustong makamit. Gagamitin niya ang itinuro nito para maka-survive. Mag-uumpisa siya at titiyakin niyang tataas siya sa sariling pagsusumikap. Walang tulong ng kahit na sino. Maski ng kanyang ama at ina. Okay lang sa kanya na maghirap kung nanaisin ng mga ito na ibigay kay Alea ang lahat ng kayamanan. He don't care anymore. Mas importante sa kanya si Genelyn. Ang pag-ibig at kaligayahan niya.