"Wahhhh..... Good Morning!"- Humihikab pang bati ni Jane sa Magulang habang bumababa ng hagdan
"Oh Jane! Anong oras ka bang umuwi na bata ka? Naku ikaw talaga! Alam mong bawal kang nagpupuyat!"- Maagang sermon ni Susan sa anak
"Mama! Ok lang po! Nakaidlip naman po ako sa sasakyan!"
"Jane! Anak! Huwag mong iisiping pinaghihigpitan ka namin ha! Pero alam mo dapat kung hanggang saan lang ang mga dapat mong gawin!"- Segunda naman ni Samuel
"Papa talaga! Opo! Napasarap lang talaga ang kuwentuhan namin ni Luke"
Nagkatinginan pa ang mag-asawa
"Oh eh bakit hindi mo papuntahin dito minsan ang batang yun ng maka kuwentuhan din namin?"- Sagot pa ni Samuel
"Ok lang po sa inyo? I mean actually inaya ko siya dito kagabi kahit na medyo kinakabahan ako kung anong magiging reaksyon nyo eh!"
"Bakit naman hindi? Mabait naman ang batang iyon!"- Sagot pa ni Samuel habang tahimik lamang si Susan
"Kasi po si kuya Jethro grabe kung makapag bawal eh! Sabi pa niya nung pauwi tayo dito huwag na huwag ko na daw subuking makipag lapit ulit sa kanya eh hindi naman puwede yun kasi si Fatima ay kaibigan din naman ni Luke tsaka wala namang ginawang masama yung tao kaya bakit ganun nalang ang galit ni kuya?"
"Nag-aalala lang ang kuya mo! Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari dati"- Wika kaagad ni Susan
"Pero Ma... Sabi ko nga po kaya ko na po ang sarili ko!"
"Oh siya kumain ka na! Alas otso ang pasok mo hindi ba? Male late ka na! Kaya ininform ko na si Harry na mahuhuli ka ng dating ok lang daw kesa sa magtatakbo ka na naman at pagurin ang sarili mo! Ikaw ha! Ang tigas talaga ng ulo mo! Akala mo ba ay hindi nagsumbong si Mang Ador? Naku pasalamat ka talaga at hindi na nauwi dito ng maaga kagabi dahil kung hindi napingot pingot na kita!"- Muli pang singhal ni Susan
Napakagat labi naman si Jane sa sermon na iyon ng kanyang ina
"Ma! I'm fine! Don't worry! Hindi po ako agad agad mamamatay!"- Pagbibiro pa ni Jane
"Jane!"-Sigaw ni Susan na naluluha na kaya agad na lumapit si Samuel sa asawa at inakbayan ito
"So..Sorry po!"
"Alam mong masamang biro ang tungkol dyan! Bakit ba napaka tigas ng ulo mo?"- Muli pang sabi ni Susan
"Tama na yan! Kayo talagang mag-ina huwag na kayong magtalo alam nyong nasa harap tayo ng pagkain oh siya! Kumain na! Jane! Sa uli uli kung mag-aaya si Luke! Sabihin mo huwag kamo masyadong papagabi yung tipong uumagahin na kayo! Ipinaalam mo ba sa kanya ang tungkol sa kalagayan mo?"
"Hindi po Papa!"
"Bakit naman?"
"Wala po akong nakikitang dahilan para malaman pa niya!"
"At bakit? Para maitago mo sa kanya na siya ang dahilan kung bakit ka kinailangang dalhin sa America ng mas maaga?"- Pagsusungit pang muli ni Susan
"Ma! Wala pong kasalanan si Luke! Huwag nyo po siyang sisihin please..."
"At sino ang dapat sisihin?"
"Ma! Nangyari na po ang dapat na mangyari ang importante po andito po tayo! Andito parin naman po ako!"
"Tama ang anak mo! Mahal! Hindi natin ibuntong ang sisi kay Luke! Hindi naman niya alam ang tungkol sa kalagayan ni Jane nung mga panahon na yun, Isa pa mga bata pa sila! Tignan mo nga ngayon may kanya kanya na silang buhay! Ang importante masaya ang Unica Hija natin hindi ba nak?"
"Tama po Papa! Ma.. Masama ang nagtatanim ng galit sa taong wala namang kaalam alam sa nangyari tsaka kaibigan ko po siya! Please Mama kilala nyo naman po si Luke di po ba? Ayaw din nun na nasasaktan ako diba nga po siya pa yung nagtatanggol sa akin dati? Best buddy nga po kami diba? Kung meron man pong dapat sisihin sa nangyari eh wala pong iba kundi ako mismo! Dahil masyado akong nagpadala sa emotion ko! Nagpadala ako sa nararamdaman ko sa kanya!"
"Bakit ngayon? Wala ka na bang nararamdaman sa kanya? Sigurado ka bang hindi ka na masasaktan? Sigurado ka bang kaya mo na kung sakaling dumating ang panahon na magkaroon na siya ng sariling pamilya?"- Tanong pa ni Susan
"Mama!"
"Anak! Kilala kita! At siguro naman lahat ng pangaral ko sa iyo noon ay dala mo parin hanggang ngayon! Siguro nga tama kayo! Wala ngang kasalanan si Luke pero anak! Wala din akong tiwala sayo pagdating sa nararamdaman mo kay Luke!"
"Ma... Hindi na po ako bata! Kaya ko na pong kontrolin ang damdamin ko! Tsaka promise po hindi ko po hahayaang magpatalo sa nararamdaman ko sa kanya"- Ngumiti pa si Jane sa ina at hinawakan ang kamay nito
"Sige na! Pero tama ang Papa mo! Papuntahin mo din siya dito ng mapagbilinan!"
"Po?"
"Dapat alam nya parin ang limitasyon ninyo sa paglabas labas aba! Kababae mong tao nagpapa abot ka ng dis oras sa labas!"
"Mama naman eh!"
"Anong Mama naman? Naku Samuel una ata akong mamatay dito sa kunsumisyon dito sa anak mo na to eh!"
"Hep! Papa oh si Mama! Akala ko ba bawal mag joke tungkol sa mga kamatayan eme na yan pero tignan mo siya!"
"Aba! At sinong nagsabi sayo na nagjo joke ako?" Totoo ang sinabi ko huwag kang pasaway para humaba pa ang buhay ko!"
"Mama naman eh!"
"Naku kayong dalawa pag hindi kayo tumigil dyan! Ibibigay ko sa mga aso tong pagkain natin! Ke aga aga mga bunganga nyo talagang mag-ina"
"Wehh... Papa nag jo joke din wala naman po tayong mga aso eh!"
"Ahh... Ganun ba? Oh... Edi sige itatapon ko nalang!"- Kunway kukunin pa ni Samuel ang mga pagkain at tatayo
"Samuel! Tumigil ka nga! Eto talaga at dinamay pa ang pagkain oh siya magdasal muna tayo bago mag agahan"
"Ha? Hindi pa ba tayo tapos?"- Sagot ni Samuel
"Ano? Bakit? Nakapag dasal na ba tayo?"
Malakas pang natawa si Jane dahil nagets nya kaagad ang joke ng ama
"Oh bakit ka naman tumatawa dyan?" Sita pa sa kanya ni Susan
"Wala po Ma! Atleast nauna yung sermon kesa sa dasal diba po Papa?"- Bungisngis paring turan ni Jane
"Hahaha Oo nga anak"- Kinindatan pa ni Samuel ang anak bilang pag sang ayon
"Naku... Tigilan nyo akong mag-ama!"
"Jane! Hi!..."
"Ida?"- Parehong nagtitili pa ang dalawa
"Late ka?"- Tanong pa ni Ida
"Ahmm... Parang ganun na nga hehehe eh ikaw?"
"Hindi! 9am talaga ako ngayon! Unang araw mo kahapon ah hahaha kaloka ka! Tapos late ka kagad ngayon?"
"Hahaha actually pinayagan ako ng boss ko mag 9am din! Kasi sabi ko nga na nalate ako ng gising!"
"Talaga? Buti pumayag! Ang lakas mo ha! Kasi kung iba yan naku tanggal ka kaagad"
"Ah... Hahaha ano kasi... Paano ba?"
"Anyway! Kita tayo mamayang lunch time! Sabay tayo treat kita!"
"Ha?"
"Pumayag ka na meet tayo sa hall way malapit sa escalator ha! Wala kasi yung jowa to be ko eh! Nasa site na naman! Kaya 9 na ako pumasok! Samahan mo ako ha! Hintayin kita bye!"
"Pero Ida!"- Di na siya nilingon pa ng babae dahil nagmadali na rin itong pumunta ng kabilang building
"Naku... Paano ba to? Bahala na mamaya! Baka kasi di rin ako payagan ni Harry sana lang wala siya dyan ngayon patay talaga ako! Haist..."
"Wow ha! Ke bago bago ang lakas ng loob gumawa ng sariling schedule ng pagpasok!"- Bungad agad ni Tessa kay Jane
"Ahh... Hi po Miss Tessa! Good morning po!"- Sa halip ay ngumiti lamang siya at binati ito kaya naman muli siyang pinagtaasan ng kilay nito
"Attitude ka kaagad sa trabaho samantalang kahapon kalang nagstart!"- Muli nitong banat sa kanya
"Tessa hayaan mo na siya! Ako mismo ang nag utos sa kanya na mag 9 siya since bago palang naman siya!"- Wika ni Harry na hindi nila namalayan na nakalapit na pala sa kanila
"Ahh... Sir! Ga... Ganun po ba? O..Ok po!"- Parang maamong tupa ngayong nakayuko ang babae kaya naman napangiti si Jane at nakita naman siya kaagad ni Harry kaya naman sinamaan siya kaagad nito ng tingin at sa halip ay pinaderetso siya sa kanyang opisina
"Come to my office now Miss Falcon!"- Wika pa nito
"Ha? Pero tatapusin ko pa yung ginagawa ko kahapon"
Muling pinukol ng masamang tingin ni Harry si Jane
"Ahh... Ok! Sabi ko nga po sa office mo po muna ako! Got it!"- Muling sagot ni Jane
Walang nagawa si Tessa at sinundan nalang sila ng masamang tingin
"Maupo ka dyan!"- Wika agad ni Harry
"Bakit?"- Tanong parin ni Jane ngunit sinunod din niya ang sinabi ng lalaki
"Check up time mo diba?"
Nakita pa ni Jane na kinuha ni Harry ang kanyang stethoscope at iba pang kagamitan na malimit niyang gamitin at pagkatapos ay sinimulan siyang pahingahin ng malalim
"Nagpuyat ka daw! Alam mong bawal kang napupuyat hindi ba? Alam mong makakasama yun sa puso mo!''- Saad muli ni Harry
"Wala naman akong nararamdamang masama sa katawan ko eh!"
Bahagya pang binatukan ng marahan ni Harry si Jane
"Arayy naman!"- Kunway nasaktan pa si Jane sa ginawa nito
"Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kelan ka! Kelan ka huling uminom ng gamot?"
"Ha?"
Muling tumingin ng masama sa kanya si Harry
"Huwag mong sabihin na hindi ka uminom? Oh baka talagang tumigil ka na sa pag-inom?"
"Ha? Hi ..Hindi ah! Na... Nakalimutan ko lang talaga nalate nga kasi ako ng gising!"
"Tsk! Ikaw ang pinaka matigas ang ulong pasyenteng nakilala ko! Ano bang gagawin ko sayo? Imbis na mapahaba ang buhay mo ikaw pa ang humahanap ng dahila para mapaiksi to!"- Agad na tumayo si Harry at may kinuhang tabletas
"Hala siya! Hindi naman! Nakalimutan ko nga kasi sorry na!"
"Heto inumin mo to! Ngayon na! Tapos papalitan ko narin yung iniinom mong vitamins eto sinasabi ko sayo ha! Etong gamot na to need mo itake to twice a day then ito naman once a day or kung makakaramdam ka ng pain or panghahapo much better to take it twice then itong vitamins please lang huwag kakalimutan!"
"Yes Dok! Thank you po Dok! The best ka talaga!"- Nakangiting wika ni Jane
"Ewan ko sayo!"
"Huwag ka ng magalit! Sorry na nga eh!"
"Palagi ka nalang ganyan!"
"Hindi kaya!"
"Mamayang lunch sasabayan kita sa pagkain!"
"Ha? Naku... Hi...Hindi puwede eh!"
"At bakit?"
"Kasi... Kasi..."
"Kasi?"
"Baka maghintay sakin si Ida eh!"
"Ida?"
"Oo yung bago kong friend dun sa kabilang building! Ininvite nya kasi ako sabay daw kaming mag lunch eh!"
"So... Nagkakilala na pala kayo?"
"Kilala mo din si Ida?"
"Ofcourse I know her!"
"Talaga? Bakit? Paano mo siya nakilala?"
"She's my cousin!"
"Talaga? Wow!"
"Sandali ichachat ko siya sasabihi ko na hindi ka makakapunta mamaya!"
"Hoy Huwag! Napaka KJ mo naman!"
"Anong KJ ka dyan! Kilala ko ang babaeng yun non healthy foods madalas kainin nun!"
"Sobra ka naman!"
"Totoo naman eh! Masyado siyang bine baby nina Tito at Tita!"
"Saang side mo siya pinsan?"
"Sa Mother! Actually 2nd cousin ko lang siya!"
"Ahh... Ganun ba? Pero close naman kayo?"
"Medyo!"
"Bakit medyo lang?"
"Bihira lang din kasi kami magkasama! Pero nagkaka chat naman kami at nagkakamustahan! Busy ako busy din siya! Pero nung mga bata pa kami lalo na nung buhay pa si Mommy madalas silang pumunta samin close kasi sila mommy at ang mommy niya and since wala na nga si Mom! Nabawasan yun!"
"Oh... I see..."
"Huwag mo akong dinadaan sa kuwento ha! Basta sa akin ka sasabay mamayang lunch!"
"Harry naman eh!"
"Sige sasamahan ko nalang kayo para nababantayan kita! At para malaman nya rin kung ano ang mga dapat at hindi mo dapat kainin kapag kayong dalawa ang magkasama!"
"Hala siya!"
"Oh bakit?"
"Hindi naman na need pang ipaalam pa sa iba ang tungkol sa sakit ko eh!"
"Bakit mo gustong itago? Diba nga dapat maging open ka sa kanila para mas maging cautious sila sa mga bagay bagay when your around kailangang maging aware sila sa kung ano ang puwedeng mangyari sayo!"
"Iyon na nga eh! Hindi na nga akong malayang nakakakilos ng normal pag kasama kita! Kayo ng pamilya ko dahil sa sakit ko! Dahil alam nyo ang tungkol sa sakit ko tapos ngayon ipapaalam nyo pa sa taong kakikilala ko palang wala na ba talaga akong karapatang maging normal?"
"Naku... Ikaw Jane ha! Hindi mo ako madadaan sa mga padrama effect mo! Nawarningan na ako ng kuya mo sa mga ganyan!"
"Tsk' Nakakainis naman eh!"- Napabusangot pa si Jane
"Alam mo naman hindi ba na konting pagkakamali lang malalagay sa panganib ang buhay mo kaya sa ayaw mo at sa gusto kailangan mong sumunod! Jane iniingatan ka lang namin! Iniingatan kita kasi... Kasi mahalaga ka sa aming lahat! Please huwag mo namang masamain yun! Pakinggan mo ako! Ayaw kong mawala ka sa akin! Sa amin ng pamilya mo! Kaya ginagawa ko ang lahat para madugtungan ang buhay mo!"
Hindi alam ni Jane pero tila may kakaiba sa tinig ni Harry kita niya sa mga mata ng binata ang labis na pag-aalala ngunit bakit pakiwari niya ay hindi lang basta pag-aalala ito.
"Ok! Salamat! Payag na ako! Payag na akong sumama sa amin ni Ida"
"Very good! Now go back to your desk at tapusin mo na yung mga pending transactions mo kahapon"
"Ok sir! Thank you!"