Prolouge

402 Words
Scarlleth's POV Grade 2 "Anak, bangon na. May pasok ka pa ngayon." pag gising sakin ni Mommy kasabay ng marahan niyang pagtapik saaking balikat. Kahit ayaw kong pumasok sa bago kong paaralan ay wala akong magagawa. Di hamak kasi na mas malapit itong bago kong paaralan sa AKS na dati kong pinapasukan. Nag tungo ako sa banyo upang maligo at inayusan naman ako ni Mommy. Sabay kaming bumaba sa hapag para kumain. "Mommy, natatakot ako pumasok. Pwede po bang next day nalang ako pumasok?" pag mamakaawa ko. "Anak, hindi pwede. Pano mo makikilala ang mga kaklase mo kung sa unang klase palang aabsent ka na?" "What if awayin nila ako?" naiiyak kong tugon habang sumusubo ng sausage.Sa totoo lang, hindi ako palakaibigan na bata. Mas gusto kong maging mapag-isa kaysa makipag socialize sa ibang bata. Maski sa dati kong school ay bilang lamang ang aking mga naging kaibigan. "Mababait ang mga 'yon. Kilalanin mo muna sila, okay?." hindi na ako sumagot at tahimik na kumain nalang. Since walking distance lang naman ang layo ng school ko ay nilakad nalang namin ito ni Nanny Sarah. "Nny, do you think kind sila?" "Oo naman ,baby. Kapag may nang away sayo sabihin mo sakin, ipapakain natin sa swan." nagbibiro nitong tugon. "Kinakabahan ako, Nanny. Baka ayaw nila sa'kin." malungkot kong sabi "Sinong aayaw sa baby ko na yan? E, ang cute cute mo. Kahit sino magugustuhan ka. Halika na malapit ba tayong tumawid." sabi ni Nanny at hinawakan ang aking kamay. Nang makarating kami sa tapat ng aking classroom ay nag-usap muna sila ng aking magiging guro. Matapos nilang mag usap ay nagpaalam na sa'kin si Nanny. "Aalis na si Nanny, baby ha? Be a good girl." tumango ako bago yumakap kay Nanny. "Hi, Scarlleth. Ako si Teacher Sheryl, ako ang magiging teacher mo ngayong grade 2." nakangiti nitong tugon. "Good Morning po." kahit nahihiya ay sumagot ako. "Nabanggit sakin ng Nanny mo na natatakot ka na baka awayin ka ng mga kaklase mo, tama ba?" Marahan akong tumango. Saka lang ako nag angat ng tingin nang may maramdaman akong humaplos sa buhok ko. Nakita ko si Teacher Sheryl na nakangiti. "Huwag kang kabahan, mababait ang mga kaklase mo. Kapag may nang-away sayo sabihan mo ako. O siya, halika na sa loob." hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Agad namang naging tahimik ang klase na siyang ikinangiti ni Teacher Sheryl. "Good Morning, mga Anak." nakangiting tugon ni Teacher. Hindi na yata mawawala ang mga ngiti niya. "Good Morning, Teacher Sheryl." Tahimik lang akong nakamasid sa mga kaklase ko. At paminsan minsan ay tumitingin kay Ma'am Sheryl na labis na natutuwa sa kanyang mga estudyante dahil sa pinapakita ng mga itong pag galang sa guro. "Meron kayong bagong kaklase, siya si Scarlleth Ashira R. Madden."  iminuwestra niya ang kamay patungo sakin na siyang ikinatingin ng aking mga kaklase at ngumiti pa ang ilan. "Alam niyo naman kung gaano ko kaayaw ang pag aaway away hindi ba?" sabay sabay na sumagot ang mga estudyante ng 'opo'. "Dahil sa classroom na ito tayo ay..." "...Pamilyaa" sabay sabay nilang tugo. maging si Teacher Sheryl. "At ang pamilya ay hindi...?" "...Nag-aaway away" "Dahil ang pamilya ay...?" "...Nag mamahalan po." "Very good, Children." pumalakpak pa ito. "Since may bago kayong kaklase at wala pa kayong maayos na seating arrangement ay pumila kayong lahat sa labas by surname, okay?" Agad kaming nagsilabasan at pumila ng maayos dahil higit na mas marami ang mga lalaki ay ginawang Boy-Girl-Boy ang seating arrangement. Pinaupo ako sa may bandang dulo ng row 1. Katabi ko sa kaliwa ay ang batang medyo chubby at sa kanan naman ay ang batang lalaki na sobrang payat. Nang maayos na ang lahat ay pinatayo kami ni Teacher para sa isang dasal. Dahil iba ang religion ko sakanila ay hindi ako sumasabay sa pag sa sign of the cross nila at pinanood ko na lamang ang aking mga kaklase. "Bakit hindi ka nag pray? Siguro masama ka." usisa ng medyo chubby na katabi ko. "Iba kasi ang pray namin sa pray ninyo." sagot ko at bumaling sa katabi kong busy sa pag bibilang ng mga pogs. "Bring out your papers and number it 1-5." sabi ni teacher na agad naman naming sinunod. "Okay. Number 1 spell Philippines." tahimik ang lahat at busy sa pagsasagot sa kanya kanyang papel. "Number 2, beautiful..." hanggang sa matapos ang 1-5 ay tahimik ang lahat. "Exchange papers. Row 1 representativr answer number 1. Row 2, number 2. Row 3, number 3. Row 4, Number 4. And row 5, answer number 5." tumayo ang lahat ng representative ng lahat ng row maliban sa row namin. Tumingin si Teacher sa gawi namin "Row 1, wala?" walang sumagot "How about you Mister Aldron?" Kakamot kamot ng ulo yung medyo chubby na katabi ko "Eh, Teacher pangit po kasi sulat ko, baka po mamalian lang po. Siya nalang daw po, Teacher." sabay turo niya sa'kin. Tumango naman si Teacher Sheryl "Miss Madden?" dahan dahan akong tumayo at nahihiyang pumunta sa board dahil row nalang namin ang hindi nakakapag sagot. Pagbalik ko sa upuan ay masama kong tinignan si Aldron, nag peace sign naman ito at ngumiti na siyag ikinawala ng mata niya dahil sa sobrang kasingkitan. Pagdating ng break time ay dali dali kong kinuha ang lunch box ko sa shelf. Kinuha ko ang dalawang tuna sandwich at ibinigay ang isa sa katabi kong payat. "Ito, oh. Sayo nalang." sabay abot ko ng sandwich "Wow, salamat. Ikaw si sugat, diba?" kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Mukha ba akong sugat?" naguguluhan kong tanong. "Sa pangalan mo kasi may Scar, sa tagalog sugat. Yang katabi mo naman na mataba si Ibon." napangiti naman ako sa sinagot niya. "Ah kasi mukha siyang kwago?" tumatawa kong hula. "HAHAHA hindi, pangalan niya kasi ay Phoenix." "Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ko. "Claudex." sagot naman nito. "Wow ang astig ng name mo." mangha kong tugon "Thank you, ito oh, sayo na rin 'to. Give and take." nakangiti niyang sabi sabay abot ng zesto. "Bakit ako hindi niyo inaalok?" nakangusong tanong ni Phoenix habang nakasilip saamin ni Claud. "Kasi bad ka." nakapairap kong sabi sakanya. For the first time in my life, ngayon lang ako naging ganito kakomportable sa mga taong kakakilala ko pa lang. YEAR END PARTY "SUGAAATT !! MAY NALAMAN AKO, YOU WANNA KNOW WHAT I KNOW?" sumisigaw na salubong sakin ng kaibigan kong si Claud. "I wanna know what you know." kahit mali mali ang grammar namin ay hindi namin pinansin. Lumapit siya sakin para lalo ko rin ilapit ang tainga ko sakanya. "Si Phoenix may gusto sa---- ouchh.. ouch.. teka... masakit!" nabitin ang sasabihin niya dahil hinila siya ni Phoenix sa kaliwang tainga. Nagtatantrums si Phoenix habang kinakausap si Claud na tinatawanan lang naman ni Claud. Habang kumakain ay lumapit ang dalawa sakin. "Sugat may tanong ako." naghila ng upuan si Claud sa harap ko. "Ano?" "Sinong crush mo?" "Wala, pang big girl lang daw ang crush crush sabi ni Mommy, baby niya pa raw ako kaya bawal muna ang crush." mahaba kong litanya na ikina tango naman ni Claud. "Eh nagagwapuhan?" "Uhm si Leigh." Humagalpak ng tawa si Claud sa mukha ni Phoenix at itinuro turo pa ito literal na mukha dahil lumapit pa si Claud dito para tawanan sa mismong mukha. "Lumayo ka nga. Nag toothbrush ka ba?" iritang sagot ni Phoenix. Nang matapos ang party ay nagtungo kaming tatlo sa hall kung saan hihintayin namin ang kanya kanya naming sundo. Tahimik lang kaming naghihintay. May nga kanya kanyang mundo. Ako ay nagcocolor sa coloring book na natanggap ko kanina, si Claud ay naglalaro ng pogs mag isa habang si Phoenix ay kumakain na naman. Naunang dumating ang sundo ni Claud kaya dalawa na lamang kaming naiwan ni Phoenix. Ilang sandali pa ay halos magkasabay na dumating ang mga sundo namin. Akala ko si Nanny ang manunundo ngunit si Mommy pala. Nag uusap ang mommy ko at mommy ni Phoenix ng makalapit ang mga ito samin. Mag kakilala pala sila. "Si Scarlleth ang anak mo? Siya pala ang palaging naikukwento ni Phoenix sa'kin." makahulugan itong tumingin kay mommy na sa tingin ko ay hindi nakuha ang ibig sabihin. "Talaga?" lumapit si mommy ni Phoenix sa mommy ko at may ibinulong dito. Agad naman napatingin samin si Mommy. "Halika kayong dalawa, picturan namin kayo." "Hi, hija. Ako si Tita Quinn, Mommy ni Phoenix." "Hello po." Mula noon sa tuwing may event ang aming school ay hindi nakakaligtaan niba mommy at tita Quinn ang kuhanan kami ng litrato. FAST FORWARD TO GRADE 6 Break time namin sa pag eensayo para sa drum and lyre ng pumunta ako sa nook na pinag tatambayan naming makakaibigan. Naabutan ko sila Phoenix at Claud doon kasama ang iba naming kaklase na nag lalaro ng truth or dare. Sakto naman na tumapat ang bote kay Phoenix. "HA! IBON IKAW NA" masayang tugon ni Claud. "TENENENENN" nag drum rolls pa ito. "Truth or dare?" tanong niya na may kasamang malaking ngisi. "Truth syempre, baka ano pang iutos mo sakin kapag dare." matapang na tugon ni Phoenix. "Sinong first crush mo?" nakinig lang ako sa isang tabi. Walang naikukwento si Phoenix tungkol sa crush niya kaya maging ako ay gustong malaman kung sino nga ba yon. "Ano ba yan. Dare nalang!" iritang sabi ni Phoenix. Nadismaya naman ako. Akala ko ay malalaman ko na. "Sige, yakapin mo ang first crush mo."  maging ako ay natawa sa sinabi ni Claud, wala talagang kawala kapag kay Claud, kapag may gusto siyang malaman ay gagawa at gagawa ito ng paraan. Nag si asaran naman ang mga kasali sa laro. Napipilitang  tumayo si Phoenix at parang may hinahanap sa field kung saab nag papractice ang mga drum and lyre. Nang hindi niya makita doon ay inibot niya ang kanyang mata sa loob ng nook hanggang sa mapadpad ang tingin niya sakin. Agad naman akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng lumapit siya saakin. Gustong gusto kumalawa ng puso ko. Hanggang sa niyakap niya ako. Sandaling sandali lang ito dahil bigla siyang tumakbo paalis. Naiwan akong nakatulala. Yung crush ko simula grade 4 ay crush din ako! GRADUATION Ngayon na ang araw ng graduation namin at hanggang ngayon ay medyo ilag saakin si Phoenix na siyang ikinakalungkot ko. Ilang beses kaming nag katabi sa stage sa stage dahil sa mga awards pero ni cograts ay hindi ako nakatanggap mula sakanya. Tahimik akong nagmamasid sa mga kaklase kong nag pipicture at ang ilan ay umiiyak siguro dahil hindi na namin muling makikita ang iba saamin. Mag isa akong pumunta sa canteen para mamili ng mogu mogu at naabutan ko si Phoenix doon. May dala itong paper bag at teddy bear. Niyaya niya akong pumunta sa nook kung saan palagi kaming tumatambay. "So, bakit tayo andito?" tanong ko. "Scar, alam ko masyado pang maaga para rito, pero gusto ko sanang manligaw." straight to the point naman nitong tugon. "H-ha?" masyado pa kaming bata para sa mga ganyang bagay. "Gusto kitang ligawan." determinado nitong sabi. "Masydo pa tayong bata para sa bagay na 'yan, Nix." "Sige na, please?" "Alam mo naman ang sitwasyon natin, hindi ba? Hindi tayo pwede." "Gusto kitang ligawan, Scar." malungkot nitong tugon. "Nix, may tamang oras para diyan at hindi 'to yon. Kung kaya mong mag hintay, malay mo." Inihatid niya ako sa parking lot kasabay ng pagbigay niya sakin ng paper bag na may mga lamang chocolate at libro kasama na ang teddy bear. "Scar..." "Hmmm?" "Maghihintay ako hanggang sa pwede na." "Pinky promise?" "Pinky promise." Nginitian namin ang isa't-isa bago ako sumakay sa sasakyan nila Daddy at siya naman ay naglakad pa konti bago makarating sa sasakyan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD