__Victorique's POV__ "ELLE! Yna!" Masiglang batik ko sa kanila pagkapasok pa lang nila "Ric-Ric!" Sigaw naman nilang dalawa saka ako niyakap ng mahigpit, kung hindi lang nga masakit pa ang sagot ko ay baka hanggang gabi na kami magyakapan. Na-miss ko kasi itong mga bruhang ito. "Are you okay? Bakit hindi ka pa natuluyan?" Natatawang sambit ni Yna habang pinupunasan ang namuong luha sa kanyang mata. "I was wondering the same." Sabay kaming tatlo na napalingon sa nagsalita kong kapatid. "Nandyan ka pala Eros?" Tumango lang ang magaling kong kapatid. As usual, focused sa nilalaro. Tumango-tango sina Yna at Elle saka ako muling hinarap na parang walang nangyari. "Nakidnap ka na nga at lahat tapos wala pa ring pinagbago ang kapatid mo?" I looked at them teasingly and leaned forward so

