__Victorique's POV__ MASAKIT ang ulo ko nang magising ako. Nagtaka pa nga ako dahil nakahiga na ako sa isang kama at nakakumot na rin ako. Hindi na lamang ako nagreklamo at mas kinumot pa sa sarili ko ang kumot kasi sa ibabaw ay wala pa rin akong saplot. Napansin ko ang mga damit na nasa table na gwa yata sa pinagpatong-patong na kahon ng sapatos. Bumangon ako at kinuha iyon, kahit hilo ako ay sinuot ko iyon. Maluwang iyon sa akin pero okay na ito. Isa iyong maluwang at itim na short na hanggang sa gitna ng hita ko lang. Checkered naman ang nasa pang-itaas ko. Masyadong maluwang na halos di na kita ang aking kamay. "Si Demonyo kaya ang gumawa nito sa akin?" Tanong ko sa aking sarili. "Imposible, wala naman yun puso." And speaking of that Devil, kailangan ko nga pala siyang takasan. Ngu

