"Ijo, I would like you to meet mister Robert Senson and his daughter Patricia," pagpapakilala ng ama niya sa mga kasama nila sa lamesa. "Good afternoon," marahan niyang bati sa mga ito. Agaran niyang napansin ang malagkit na titig sa kanya ng babaeng nagngangalang Patricia kaya naman isang seryosong tango lang ang ibinigay niya dito para kahit papaano ay mapakita niya na hindi siya dito interesado. "Hi Andrew, I've heard so much about you," mapang akit ang tono nito nang magsalita. Halatang hindi ito tinalaban ng pagseseryoso niya kaya naman isang tipid na ngiti na lang ang ibinigay niya dito. Ilang oras din niya itong pilit na binabalewala at iniiwasan ng tingin pero nahirapan siyang gawin iyon dahil kinailangan niya itong kausapin at pakisamahan. Kailangan kasi ng kompany

