Napapayakap na lamang si Lucy sa sarili habang nagpapakababad sa malamig na haplos ng tubig na dumadampi sa kanyang balat. Naiinis siya sa ginawa, imbes na pahupain at mabura noon ang kung anong pakiramdam na ipiranas sa kanya ni Andrew, tila mas nadagdagan pa yata ang init at kaguluhan sa kanya. Hindi niya tuloy napilan magbalik tanaw sa ginawa nila kagabi, nalilito kung bakit tila hindi naging sapat ang ginawa niya kanina upang maibsan ang pagtawag ng kanyang katawan sa ginawa nila ng lalake kagabi. ***Flashback *** "Those were very effective sleeping potions!" Hagikgik ni Lucy. Parehas na silang nakaupo sa sahig ni Andrew, naroon na ang tila pagdalaw ng antok habang si Andrew naman ay inaalog pa ang huli nilang bote na akala mo ay may lalabas pa roon. "No, it's not, I'm not yet

