Litaw na litaw ang malapad na ngisi ni Lucy habang iniaangat sa katawan ni Celina ang mga binili nilang bathing suit. Sigurado niya kasing lilitaw lalo ang kagandahan at pagiging kaakit-akit ng kaibigan sa mga iyon na siyang gugulo sa kanyang kakambal. "Vengeance shall be mine!" Tuwang-tuwa niyang sambit habang naiisip ang magiging reaksyon ng kapatid. Kita naman ang mabilis na panlalaki ng mata ni Celina, mukhang nakuha na nito ang dahilan ng pagbili niya noon base na rin sa kanyang ginagawa. "Hindi ko iyan susuotin," napapalunok na sambit nito. "Cel, beach party ito, kailangan naka swimsuit ka. Hindi ko hahayaan na mapahiya ka no, kaya pumili ka na!" sermon niya sa kaibigan. Napanguso na lang ito pero bandang huli ay wala rin nagawa kung hindi ang pumili sa dalawa niyang ipinakita

