Hindi mapaglagyan ang matinding kalungkutan ni Lucy ng mga panahong iyon, pakiramdam niya napakahina niya at walang kwenta, hindi niya nagawang kontrahin ang desisyon ng ama niya na dalhin sa isang espesyalista sa Amerika ang mama nila, alam niya rin naman na iyon ang pinaka makakabuti para dito. "Sis, are you sure you don't wanna come?" Mababakas ang pag-aalala sa kapatid niya ng mga sandaling iyon, nagdesisyon siya na huwag na muna sumama sa mga ito papuntang states, lalo pa at may mga nasimulan na siya dito. "Yeah, don't worry about me, I'll be fine," pagpapakalma niya sa kakambal. Inakap siya nito ng mahigpit, batid niyang nag-aalinlangan itong iwanan siya ng mag-isa roon. "Call me if there's a problem," pahabol nito. Tumango naman siya para sabihing Oo, pero batid na batid ni

