"f**k! dahan-dahan naman," daing niya habang inilalagay ni Raymond ang ice pack sa kanyang mukha. Tulad ng inaasahan hindi naging maganda ang kinahinatnan ng pagsasabi niya kay Luke ng balak na panliligaw sa kapatid nito. Nagkasagutan sila at dahil lango na sa alak, mabilis silang nagkainitan dahilan para bigla na lang siyang sunggaban nito, hindi naman siya nagpatalo bagkos ay nanlaban din siya dito kaya naman nauwi sa wala ang mga plinano niya. Inabot din ng ilang minuto ang pagbubuno nila dahil nahirapan ang kanilang mga kaibigan na pigilan silang dalawa. Bandang huli hindi niya rin nakuha ang permiso ng kaibigan dahil umalis itong galit na galit kasama si Jordan, naiwan naman si Vincent at Raymond kasama siya. "Tang ina ka Drew, pati ba naman iyong kapatid ni Luke gusto mo patusin,

