Targeting weaknesses

3720 Words

Balisang-balisa si Lucy habang tumatakbo sa hallway ng naturang gusali, hindi niya alintana ang pagod at hindi niya na hinintay pa ang paliwanag ni Andrew dahil agad na niyang tinungo ang hospital na nabanggit nito. Nadatnan niya sina Andrew, Andrea at Andy sa labas ng emergency room, bakas ang pag aalala sa mga ito habang nakaupo at naghihintay. "What the hell happened!" mangiyak-ngiyak na saad ni Lucy nang makalapit. "Nasaan ang kapatid ko!" Halos nakuha niya na ang atensyon ng lahat ng tao doon dahil sa lakas ng kanyang boses at sunod-sunod na tanong niya na parang baliw. Nadama niya na lang ang kamay ni Andrea sa kanyang braso para aluin siya subalit mas lalo lang siyang nataranta. "Lucy, calm down, inaasikaso na siya ng mga doctor," pilit nitong pagpapakalma sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD