"Ito maganda tiyak na babagay sayo 'to!" tuwang tuwa na sabi ni lara. Inilapat niya sa katawan ko ang dress na naka hanger pa.
"No, masyadong maikli yan. Ito ang babagay sayo!" Si denice. Inilayo niya sa harapan ko ang kamay ni Lara na may hawak na dress, at inilapat sa katawan ko ang hawak hawak niyang dress.
"Masyadong mahaba yan napili mo. Itong akin ang pwede!" Inilayo din ni lara ang damit sa katawan ko. Napapakamot na lang ako sa sentido ko dahil sa kakulitan ng dalawang ito. Mukhang nagkamali ako ng hiningian ng tulong. Iniwan ko sila at naglibot sa loob ng botique. Napako ang tingin ko sa casual dress na suot suot ng mannequin. Above the knee ang haba nito. Navy blue ang kulay nito.
"Hindi nga sabi yan ang bagay sa kanya kundi itong napili ko!" Naiirita ng sabi ni denice. Nilingon ko silang dalawa
"Hep hep, tumigil na kayo may napili na ako!" Awat ko sa dalawa bago pa man lumala ang sitwasyon. Sabay nilang tiningnan ang itinuro kong dress.
"Ay, bet ko yan!" Natatawang napailing ako sa kanila dahil magkasabay pa talaga sila na nagsalita. Nakitawa na rin ako ng matawa silang pareho dahil sa kanilang pinagagagawa.
Bumili na rin ako ng sandal na babagay sa susuotin ko na dress. Pagkatapos nagbayad na rin kami. Binayaran na rin nila iyon mga dress na gusto nilang ipasuot sakin kanina, sila na lang daw ang magsusuot non. Parehong maganda ngunit ayokong magtampo ang isa sa kanila kaya pumili ako ng ibang maisusuot. Nang makapag bayad sunod na pinasukan naman namin ay ang salon.
"Hep," Pigil ko sa dalawa ng sabay na naman silang tumayo para kausapin sana ang empleyado ng salon.
"Ako na!" Napalabi naman c Lara, at nag taas ng dalawang kamay si denice na parang sumusuko. Pinaupo ako ng bakla sa isang upuan paharap sa salamin. Ipinakulot ko lang ang ibabang parte ng buhok ko at nagpalagay lang ng light make up. Audition pa lang naman kaya hindi ko kailangan ng bonggang make over.
"Mas lalo kang gumanda girl!" Napapapalakpak pa si denice habang nakatingin sakin. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Lara. Sila nasa unahan at ako naman ay sa likuran. Patungo na kami sa makati, mas pinili nilang mag audition ako ng live kesa sa online.
Nasa likuran lang nila ako habang tinutungo ang opisina ni miss lay cruz. Huminto kami sa isang pintuan. Nakadikit doon ang pangalan ng sadya namin. Kumatok si lara at bumukas naman kaagad ang pinto. Iniluwa sa loob non ang isang ginang.
"Ahmm, We are looking for Miss cruz, Is she inside?" tumango ang ginang at niluwagan pa nito lalo ang pagbukas sa pinto. Nakangiti kami sa ginang ng mapadaan kami sa kinatatayuan niya papasok sa loob.
"Cousin!" Nanlalaki ang mga matang bulalas ng isang babae habang nakatingin kay Lara. Nag beso lang silang dalawa saka nagpalipat lipat siya ng tingin samin ni denice.
"This is Jamie, she's the one that i'm telling you." Pakilala sakin ni lara. Nagugulohan man sa sinabi ni lara ay pinilit ko pa rin ngumiti at nakipag shake hands sa kanya.
"Ohh, she's very pretty!" Nakangiting sabi nito. Iniyuko ko ng kaunti ang ulo ko tanda ng pasasalamat sa papuri niya.
"follow me, I will take you where the audition takes place." Hindi nawawala sa labi ang matamis na ngiti nito.
Napasinghap ako ng makitang madami ang tao doon. Nag dadalawang isip tuloy ako kung itutuloy ko pa ba ito o uuwi na lang. Ngunit pag umuwi naman ako mawawala ang pagasa ko na makaalis ng bahay. Nag inhale exhale ako ng malalim tsaka taas noo na naglakad palapit kung saan nandoon ang mga nag aaudition. Ginandahan ko pa lalo ang lakad ko ng makita ang paglingon sa direksiyon namin ng mga staff at ang dalawang bakla na nakaupo sa tapat ng stage. Mabuti na lang talaga at sanay na ang sarili ko sa mga ganito. Ngunit hindi ko pa rin mapigilan na makaramdam ng kaba mas malaki ang pageant na ito kumpara nong sa school lang namin.
May iniabot si lara sakin na maliit na papel nakasulat doon ang number 20. May pagtataka sa mukha ko ng tiningnan ko siya.
" Ayokong maghintay ng matagal kaya pinakuhaan na kita ng number kay lay kanina!" May pilyang ngiti na paliwanag nito. Tumingin ako sa stage number 15 na ang nandoon, apat na lang at ako na ang susunod na rarampa.
twenty katao bawat batch ang mag aaudition ngayon. bale rarampa kami na parang nasa totoong pageant na ngunit magpapakilala lang at sasabihin kung bakit kami sumali. tsaka may dalawang question din na itatanong samin ang dalawang bakla na nandon. kapag natapos na tsaka lang tatawagin ang limang pasok sa audition sa batch namin.
Nakapwesto na kaming lahat sa stage. Nasagot ko naman ng maayos ang tanong nila ngunit kinakabahan pa rin ako. Hindi ko maikakaila sa sarili ko na magaganda, sexy at magagaling sila sumagot.
"Pasok ka na rin number 20!" Number 20? number ko yan ah, YES, THANK YOU LORD! ang tanging nausal ko. Simula pa lang ito at wala pa ako sa totoong kumpetesiyon ngunit subrang saya ko na.
"Ayeeeh, we're happy for you girl!" masayang sabi nila sakin.
"Hindi mo naman siguro sinabutahe ang pagkapanalo ko?" Pagbibirong tanong ko kay Lara.
"Hindi no, Pinakuhaan lang kita ng number! Alam ko naman mananalo ka dahil magaling ka talaga. Palagi kang nananalo noon remember? kaya walang duda na mapipili ka din ngayon." Mahabang paliwanag nito.
"Joke lang, alam ko naman hindi mo gagawin iyon." Natatawa kong sabi. Napanguso naman ito.
Kumain muna kami sa malapit na restaurant habang hinihintay na matapos ang audition. Kailangan pa namin bumalik doon dahil ipapaalam nila samin ang ibang mga detalye.
Ako na lang ang pinayagan nilang makapasok sa loob kaya sa office ni lay sila Lara dumiretso doon na lang daw nila ako hihintayin.
"Bukas na ang last day ng audition. Labin lima na lang at makukumpleto na kayo. So expect niyo nang next week tutungo na tayo ng palawan dahil doon gaganapin ang event. Syempre kailangan niyo muna mag beauty rest bago kayo magsanay kaya bibigyan namin kayo ng isang linggo na pahinga doon. Wala kayong babayaran, free accomodation, free food. Iyan lang muna sa ngayon, maraming salamat" Pag aanunsiyo ng event organizer.
Hala paano iyon next week na rin ang graduation namin. Hindi pwedeng wala ako sa graduation, importante sakin ang araw na iyon. Hinabol ko ang babae na nagsalita kanina.
"Madam," huminto naman kaagad ito sa paglalakad ng marinig ang pag tawag ko.
"Yes?" Nakangiting tanong nito ng makalapit ako
"Ahmm, graduation ko po kasi next week. Hihingi po sana ako ng pabor kung pwede po sumunod na lang ako sa palawan pagkatapos ng graduation ko?" Nahihiyang tanong ko.
"No problem. I know that thing is very important to you, but you will be forced to spend your own money to get to Palawan. because all the candidates will board the company's private plane." sunod sunod ang ginawa kong pagtango sa paliwanag niya.
"Okay po madam, thank you!" nakangiting pag sang ayon ko. Umalis na rin ito. Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas wala na rin akong poproblemahin pa. May ngiti sa mga labi na nagtungo na ko sa office ni lay upang puntahan sila Lara at denice.