ABBY'S POV Matagal kaming magkayap ni Charles at kung kaya ko lang itigil ang oras ay ginawa ko na. Upang matagal ko pa siyang magkasama. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at inakay ako patungo sa ilalim ng tulay. Namangha ako sa aking nakita dahil mga magagandang bato na siyang nagsisilbing haligi ng tulay. Nagulat ako nang maghubad si Charles ng kaniyang damit at tanging boxer lang ang iniwan sa kaniyang katawan. "Tara, ligo tayo," pag-aya sa akin ni Charles. "Ha! Wala akong damit panligo," tanging nasabi ko. "Wala rin naman akong damit panligo. Mamaya tatanggalin ko na lamang 'tong boxer ko nang hindi mabasa ang pantalon ko," katwiran niya. Maya-maya ay tumalon na si Charles sa ilog at sarap na sarap maligo. Biglang bumalik sa isip ko ang masasayang alaala namin ni Charles s

