ABBY'S POV Nagising ako na masakit ang aking ulo. Hindi pa man ako tuluyang nagmumulat ng mga mata nang may biglang pumatong na mga braso sa aking katawan. Napalunok ako at dahan-dahan akong tumingin sa aking katabi. Upang malaman kung kaninong braso ang pumatong sa akin. Halos manlaki ang aking mga mata nang makita ko si Charles na nakangiting nakatingin sa akin. "Good morning, Babyloves," masayang bati niya sa akin. Nanigas naman ako nang ngayon ko lamang napansin na wala akong saplot. Ipinislig ko ang aking ulo, at ipinikit ko ang aking mga mata. Upang alalahanin kung ano ang nangyari buong gabi. Napailing ako nang maalala ko ang kagagahan ko kagabi. Bigla naman akong nanigas nang pumatong sa ibabaw ko si Charles. "Babyloves, mukang ang sama ng gising mo—" "P'wede ba, Charles? Hu

