CHARLES POV Dahil sa kasabikan ng ina ni Abby sa apo ay pinili muna niyang manatili dito sa kwarto ni Charley. Samantalang si Marie muna ang pinagbantay namin kay Tito Enrico. "Ang gwapo talaga ng apo ko," puri ni Tita Alexandra kay Charley. Ngumiti si Abby. "Naku, Mommy, 'yang apo mo. Napakabibong bata niyan." Tumingin siya sa akin. "Parang naging bata si Charles kay Charley, Mommy," pabirong sabi niya. "Bakit? Kay Charles din ba nagmana ang apo ko? Sa pagiging madaldal," masayang tugon ni Tita Alexandra kay Abby. Napakamot ako sa aking ulo. Samantalang si Abby ay tumawa na ng malakas dahilan upang magising si Charley. Biglang tumahimik si Abby at hinawakan ang kamay ng anak namin. "Anak, mabuti naman at gising ka na," masayang wika niya. Tumingin sa aming dalawa si Charley. "Mommy

