ABBY'S POV Kasalukuyan akong naghahain dito sa lamesa nang magsalita si Manang Ester. "Señorita Abby, napakaswerte po sa 'yo ni Señorito Charles." Napangiti ako, "Bakit mo naman po nasabi 'yan?" tanong ko sa matanda. "Kasi po, pinagsisilbihan mo siya," mabilis na tugon ni Manang Ester sa akin. "Ganoon po talaga siguro, kapag mahal mo ang isang tao." Ngumiti ako sa matanda. "Manang, p'wede po magtanong?" Tumango sa akin si Manang Ester. "Oo, naman po, Señorita Abby. Tungkol po ba saan?" pagpayag ng matanda. "Manang, p'wede po bang Abby na lamang ang itawag ninyo sa akin." Huminga muna ako bago muling nagsalita. "Manang, gaano na po kayo katagal nagtatrabaho kay Charles?" seryosong tanong ko. "Simula po nang ipatayo ito ni Señorito Charles. Pero ngayon lamang po namin nakasama dito an

