CHARLES POV Nagising ako na masakit ang aking ulo at mabigat ang katawan. Napabalikwas ako nang makita ko ang oras at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang babaeng nakayakap sa akin habang walang saplot sa katawan. "No! Hindi p'wedeng mangyari 'to! Dapat nasa simbahan na ako ngayon," bulong ko sa aking sarili na may kasamang paninisi. Mabilis akong bumangon at nagmadaling magbihis ng damit kong pangkasal. "Charles, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Cathy nang makita niyang nagbibihis ako ng aking damit. "Saan pa ba?! Eh, di sa kasal ko," mabilis kong tugon at tinitigan ko siya nang masama. Ngumiti na parang demonya si Cathy at nagsindi ng sigarilyo. "Charles, paano naman ako? Pagkatapos nang nangyari sa atin, basta-basta mo na lamang ako iiwan!" pahayag niya. Nagtagis a

