Nanatili akong nakatayo sa isang tabi habang nakikinig sa ingay na ginagawa ng dalawa. Hindi ko alam kung sino ang kasama niya ngunit positibo ako na siya iyon. Si Lynxx Pascal. Nakaharap kasi ang pwesto ni Lynxx sa pinto kaya naman iyon ang bumungad nang tumingin ako sa kanila. Agad akong napaupo sa sahig habang pilit na hindi gumawa ng ingay. Tinakpan ko pa ang bibig ko gamit ang kanang kamay. Seriously?? They are doing that thing here? Inside our building?! Sa ikalawang pagkakataon ay napasilip ulit ako roon at kitang kita ko ang ekspresyon na ipinapakita ni Lynxx habang ginagawa ang bagay na iyon. Nagulat na lamang ako nang biglang tumalikod sa kaniya ang babae kaya naman nakita ko ng mas malinaw ang babaeng iyon. Hindi naman ganoon kadilim sa loob ng kwartong ito at mas lalong

