Napatikhim na lamang ako nang makita si Tito Singh na nakatingin sa akin. Bahagya itong sumenyas sa akin na lumabas muna bago tuluyang mag-umpisa ang meeting. Agad ko namang naintindihan ang ibig nitong sabihin kaya sumunod agad ako sa kaniya papunta sa isang kwarto, hindi masyadong malayo sa pagpupulungan. Sinundan ko lamang ang lakad ni Tito hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa kwartong iyon. Dahan-dahan ko ring isinara ang pinto sa likuran ko saka humarap rito ng nakayuko. “Alexia, my dear…” biglang sambit nito at lumapit sa akin. Naramdaman ko na lamang biglaang pagyakap nito sa akin. “I know, this is hard for you to deal with, and I swear, even I, myself feel hatred every time I see his face. He just didn’t killed your father, he also killed my friend! And I will never f

