I was speechless. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa doktor na nagsabi sa akin ng kalagayan ni Chay. Hindi ko inaasahan na gano’n na pala ang nararanasan ni Chay ngayon. Hindi ko man lang napansin o na-check ang kalagayan niya. I was too busy with on own. “She will be fine, right?” tanong ko pa sa doktor. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang mga sinabi niya kanina. “Yes. Let’s wait for her to regain consciousness. Sa ngayon, mas maganda na magpahinga muna siya.” “Thank you, Doc.” “We will transfer her to a private room.” Tumango na lang ako sa doktor at inasikaso na nila muli si Chay. Sinundan ko naman sila. Inayos muna nila si Chay sa isang VIP room at saka ako pumasok doon nang makaalis na ang mga nurses. I feel guilty. Kasalanan ko rin na masiyado akong naging abala sa sar

