[CHAY CELESTIAL'S P.O.V.] "I'm Aleged Celestial. I'm sure you already saw the tabloid's new post. I am the new professor of this department, and I was interviewed by Mr. Apollo Cash himself." Tila ba nabingi ako. Tumahimik ang buong kapaligiran ko. Nang marinig ko pa lang ang pangalan niya, hindi ko na naintindihan pa ang mga kasunod niyang sinabi. No... Noong pumasok pa lang siya sa loob ng room namin ay nakilala ko na agad siya, kahit na nakatalikod siya sa amin. Likod pa lang niya ay kilalang-kilala ko na. Nanghihina na ang buong katawan ko ngayon. Ano ang ginagawa niya rito sa Cashland University? Hindi ako makapaniwala. Alam ko na hindi naman ito panaginip. Alam ko na totoo ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko na maloloko pa ang sarili ko na magagawa ko siyang matakasan. Dahil ang

