ART 69

1519 Words

“Hindi ba kasama si Chay ngayon sa family dinner natin?” tanong sa akin ni Apple. Nagulat pa ako dahil bigla niya akong tinanong no’n. Kakakita lang naman nila kagabi kay Chay, pero gusto na muli nilang makasama ang girlfriend ko. Miski naman ako ay gusto ko rin na makasama siya, pero… “May lakad siya ngayon kasama ni Rita,” tanging sagot ko na lang. Nakita ko naman na napakunot ang noo ni Apple sa isinagot ko. “Huh? But I saw Rita’s story earlier. Nagta-travel siya mag-isa. I think nasa Palawan siya ngayon. Kasama niya si Chay?” Palusot ko lang sana ‘yon kay Apple dahil alam ko naman na nagsinungaling sa akin si Chay kagabi. Lalo na at narinig ko naman kung ano ang mga sinabi niya sa kausap niya sa phone niya. Pero ngayon ay mukhang nakatunog na si Apple na hindi kami ayos ni Chay. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD