Zary's POV
Nasa may labasan na ko ng mall ng biglang may narinig ako na sumigaw na babae.
"Hey you!" sigaw ng isang babae. Hindi na ko nag-abala pang tingnan o alamin pa dahil alam kong gulo iyan. At ayoko ng gulo, kutang-kuta na ako mula pa kanina. Sigaw pa din ng sigaw ang babae.
"Hoy! Babae! Bingi ka ba? Lumingon ka nga dito! Nakakainis ka na ha?" the girl shouted again. Aish! Bakit ba ang daming eskandalosa at walang manners na tao ngayon? Hays!! Attention seekers. Tss. -___-
Nagulat ako sa pagkalabit sa akin ng isang taong hindi ko naman kakilala.
"Hoy! Babae! Hindi ka ba talaga lilingon? Bingi ka ba? Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito sayo ah!" galit na galit na sigaw niya sa akin.
Ako pala tinatawag nya kanina? At bakit naman? Psshh.. >.What?" Tanging sambit ko sa daming sinabi nito sa akin. Pinagcross ko 'yong dalawang braso ko sabay hinarap ito at ang apat na kasama nito habang wala naman mababakas na kahit anong expression ang mukha ko.
"Woah! W-what? Excuse me?" Hindi makapaniwalang sambit nito at bakas na sa kanyang mukha ang sobrang pagkairita at inis, kita ko rin ang sobrang galit nito dahil sa sinagot ko sa kanya. Tss. >."And you're excuse." sabi ko sabay tabi sa daan. Parang anong oras man ay sasabog na sa galit at inis ang babae ito dahil sa pang-iinis ko sa kanya. Sarap kasing inisin ang mga ito dahil parang mga turo kung umusok ang mga ilong ng mga ito sa tindi na inis at galit. Pshh.. -__-
"What? Ahh..!!! You're so irritating! Hoy, ikaw! Akala mo kung sino ka! You're nothing but a trash! Hindi mo ba kilala kung sino kinakalaban mo?!"
Me? A trash? What the? Anong akala niya sa sarili niya? A precious stone? Tss. >___'Timpi Zary, relax okay. Wag kang magpadala sa galit mo at baka mapatay mo siya ng wala sa oras' pagpapakalma ko sa sarili ko.
"Oh? Anu? Bakit hindi kana makapagsalita dyan? Natatakot kana ba? Aba da---
"What the heck?!" Mahinang sambit ko dahil sa sinabi nito.
Ang pinakaayoko sa lahat ay iyong tinitrigger ako lalo na my patience at sinusubukan talaga nila ako. Ayoko sana mangyari ito at gumawa ng gulo pero ubos na pasensiya ko at kutang-kuta na ako ngayon tapos pagsasabihan pa ako ng kung ano-ano dahil sa isang walang kwentang bagay? s**t lang talaga! Hinarap ko ang mga ito with my blank face and my most cold and deathly stare. Walang anu-ano man ay sinuntok ko ito sa sikmura na siyang ikinagulat ng lahat lalo na ang grupo ng babaeng sinuntok ko. Inubos talaga nila ang konting pasensiya na iniwan ko. Yumuko ako para magkalevel kami ng babae na sinuntok ko at saka ko ito binulungan.
"Ang ayoko sa lahat ay ang iyong pagsabihan ako ng kung ano-ano at magtapang-tapangan sa harap ko. Huwag mong subukan na maubos na maubos talaga ang pasensiya ko at mapatay kita ng wala sa oras dahil konting-konti na lang at talagang ubos na ubos na ito at huwag mo rin na subukang magsimula ng gulo kung hindi mo pala kayang harapin ito. By the way, hindi ako natatakot sa inyo at yeah, kilala ko kayo, weakling gangsters." Bulong ko sa kanya na may pagbabanta sa kanilang lima. Tiningnan ko ulit ang mga ito isa-isa with my most cold stare at kita ko ang pangamba at takot sa mga mata ng mga ito, ngisihan ko naman sila na mas lalong ikinatakot nilang lima. Tumayo na ako saka ko sila iniwanan na tulala at takot na takot. Nilingon ko ulit sila bago ako tuluyang umalis sa lugar na iyon.
"Ako? Kilala niyo ba? Simulan niyo ng alamin at magdasal na din kung sino ba ang binangga niyo at umiwas iwas na kayong makaharap o makasalubong man lang ako dahil kapag mangyari iyon, tiyak sa morgue na kayong kunin ng mga mga pamilya niyo." patuloy na sinabi ko sa kanilang lima. Binigyan ko sila ng aking most cold and deadly stare. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya o isa sa mga kasama niya. Tumalikod na kaagad ako at diritso-diritso sa aking paglalakad.
Pssh. Ako pa talaga tinakot nila? Tss. Weakling gangsters. >.Someone's POV
Pagkapasok pa lang namin ay nagkagulo na sa loob ng mall. Aish! Mahirap talaga kapag sikat ka dahil kahit saan may sisigaw ng pangalan mo katulad lang sa ngayon. Napatingin naman ako sa mga kasama ko lalo na ang dalawa kong kasama na enjoy na enjoy talaga sa pagkaway sa mga tao na nagtitilian. Hay, ewan ko talaga sa dalawang ito. Mabuti na lang at may natitira pa akong mga kasama na matitino. Mabuti na lang at agad naman nacontrol ng mga guards ang crowd, sa sobrang dami ng tao hindi na yata kami makadaan. May show kasi kami ngayon dito sa mall at request ito ng isang tao na sobrang malapit sa isa sa mga kasama namin kaya pinagbigyan agad namin ito dahil malapit na din siya at sila sa amin. Naging maluwag na iyong daan at lalakad na sana kami para pumunta sa stage kung saan kami magpeperform ng maagaw ang attention namin sa isang babae na nagsisigaw at may hinahabol ito. Isang babae ang nakatalikod at mukhang palabas na ito ng mall, napansin ko ito kanina na nakacross arms habang naghihintay sa pagluwag ng daan at isa lang ang masasabi ko, expressionless ang babae, walang ka emo-emosyon ang mukha nito.
Nakuha naman ng isang tao na kilalang-kilala namin ang attention ng lahat. Hindi lang ito nag-iisa kundi kasama din nito ang kanyang mga barkada. May sinabi ito patungkol sa amin na ikinatawa talaga ng mga kasama ko lalo na nitong isa kung kasama na aliw na aliw talaga sa pagsisigaw ni Keniah. Eh, mortal na magkaaway kasi ang dalawa ito kaya ganun na lang din kung mainis si Keniah sa amin. At mas nakuha ng attention ko ang ginawang pagsmirk ng babaing iyon lalo na at ito ay napatingin rin sa amin kinaroroonan. May kakaiba talaga sa kanya, she's not an ordinary girl, alam kung may tinatago ito at hindi ito pankaraniwang babae. She has a strong aura at ramdam na ramdam ko iyon kahit ang layo ng distansiya namin dalawa. Tumalikod na ito at tinungo ang daan palabas ng mall. Papaalis na sana kami ng bigla naman nagsisigaw ang isang babae.
"Anong nangyayari? May gulo ba at sino naman ang sinisigawan nang babae na iyan?" Kunot noo na tanong ng kaibigan kong chismoso sabay turo dun sa babae na may placard na dalang-dala at parang may hinahabol ito.
"Aba, ewan namin! Malay ba namin kung ano ang nangyayari diyan. Bakit kami tinatanong mo? Doon ka kaya magtanong at sila 'yong tanungin mo at huwag kami 'yong tinatanong mo! Chismoso kahit kailan talaga. Kalalaking tao tapos chismoso? Tss." >___ Sagot naman ng madaldal na tao na naging kaibigan ko. Aisshh! Seriously? Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na ganito? Kung hindi chismoso, madaldal. Hay, naku! Ano ba ang kasalanan ko at sila ang naging kaibigan ko? Tsk!
"Ang daldal mo dude. Alam mo yun? Tsk. Parang hindi lalaki kung magsalita." sagot sa kanya ni Bhrint na may pang-iinis at saka ito napangiti na may panloloko sa kanyang mukha.
"Aba! Sino ba ang madal---
"Ang ingay niyong dalawa. Para kayong aso't pusa. Tss. " oh,i forgot, may tahimik na kaibigan, kung mayroong chismoso at madaldal siyempre mawawala pa ba ang ganito? Mayroon din kaming kaibigan na tahimik.
"Oh, nandyan ka pala dude? Akala ko wala ka dito." pang iinis na ani ni Brylle kay Mike. Binigyan lang sila nito ng isang masama na tingin bilang sagot. Kaya ayon natahimik din. Tss. Maiingay talaga ang dalawang 'to. Napangiti na lang ako kung paano kami nagsimula at kung paano kami nagkakilala at kung anong gulo ang nangyari ng magkita-kita kaming lima. Biglang may nagsalita malapit sa may tenga ko na siyang ikinagulat ko naman. Damn it!
"Sino ba tinitingnan mo diyan, dude? And why are you looking like that to that girl?" tanong ng isa pang tahimik kong kaibigan sabay turo nito sa isang babae at damn it lang talaga dahil sa dinami-dami ng babae at sa kanya pa talaga ako napatingin, at hindi lang talaga tingin kundi titig na titig. Hindi ko kasi maalis ang mga tingin ko sa kanya, she has this thing na hindi ko maipaliwanag at isa pa hindi ko rin maideny na maganda siya pero napakablanko ng mukha. Kaharap nito ang babae kanina na nagsisigaw at may dalang-dala na placard, siya ang hinabol nito.
"What are you talking about? And I'm looking to that girl? Tch." may pagtatakang tanong ko sa kanya sabay turo don sa babae kahit alam kong napatingin talaga ako sa babae na iyon. Ayoko lang kasi na pagduduhan at tuksuhin ako ng mga ito ngunit parang napansin yata ito ng iba pang kababaihan na nandoon sa tabi niya kaya ayon nagsisigaw na naman sila. Tsk.
"Yes, dude! Kanina ka pa nga napatitig sa kanya. She's pretty right? That girl wearing a purple shirt and white pants." Usal nito sa akin at parang wala sa sarili na sambit nito saka tumingin sa babae. Napatango na lang ako sa sinabi niya saka tumingin na din sa gawi ng babae. Minsan hindi ko talaga itong maintindihan ang galaw ng utak ni Gab. Aissh! Damn!
"What the! Oh, come on dude! I'm not! At bakit naman ako titingin sa kanya? Yes, she's pretty but look at her dude, she's expressionless and her face ay napakablanko, ang hirap basahin." tudo deny ko pa rin na sagot sa kanya habang nakatingin pa rin sa babae na nakatingin na rin sa amin lalo na sa akin at ang ikinagulat ko ay ang pagsmirk nito. Isang nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa mukha nito. Sasagot pa sana si Gab sa akin ng bigla naman ulit sumigaw ang babaeng may dalang placard.
"Wow! Ang warfreak pala ng babaeng iyon!" Na aamaze na sabi ni Bhrint. Tss. Chismoso.
"Oo, nga. Tss. Papansin yata ang babae na iyan, kung mukha ang pagtatalonan---ayyy uwi na iyang babae na iyan kasama mga alipores niya, sa ganda ba naman ng kaengkwentro niya talo na siya." Napatingin naman kaming apat kay Brylle na may pagtataka sa aming mukha dahil sa sinabi nito. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng mga utak ng mga kaibigan ko. Hindi namin sila masyadong marinig kasi medyo malayo kami at puro 'hoy ikaw' at sigaw lang ang naririnig namin mula sa babae na may dalang placard. Actually puro boses lang ng babae na iyon ang maririnig mo para kasing walang ginawa ang kaharap nito kundi ang humarap sa kanya at tingnan lang siya blankly.
"Kaaway niya pala ang babaing tinuro ko sa'yo na tinitigan mo kanina." Napatingin ako sa kay Gab dahil sa sinabi nito at don sa babaeng sinasabi niya sabay kunot ng aking noo sa sinabi nito. Napabuntong hininga na lamang ako at napapailing sa kanya na siya naman ikinangisi ng katabi ko. Biglang nahawi ang harapan ng babae kaya kita namin ngayon ang buong mukha niya at ang nangyayari sa kinaroroonan nila at lahat ay nagulat lalo na kaming mga kaibigan ko sa kanyang ginawa sa babae na may dalang placard. Wala itong sinasabi at hindi rin ito pumatol sa mga sinasabi ng babae pero ang hindi namin inaasahan ay ang suntukin niya ito sa sikmura. Kakaibang babae, gangster ba ito? Lumevel ito sa babae na kanyang sinuntok at saka may ibinulong siya dito sa babae. Kita naman namin hanggang dito ang takot at pangamba ng babae, mayamaya lang ay tumayo na ito at saka na tinalikuran ang babae at ang mga kasama nito. Nasa ikadalawang hakbang na ito ng tumigil siya sa kanyang paglalakad at saka muling lumingon sa grupo ng babae saka ito may sinabi sa kanila. Kakaibang babae talaga.
"Tory?" mahinang sambit ng katabi ko kaya napalingon ako sa kanya na may pagtataka sa aking mukha. I know kung sino ang sinasabi nitong Tory. May lungkot akong nakikita sa mga mata ni Gab habang nakatingin sa babae na iyon.
"Okay, lets go, guys." sabi ni Bhrint sa amin. Tumalikod na kami don pero bago ako umalis ng tuluyan ay lumingon ulit ako sa babae na iyon habang diritso-diritso itong naglalakad palabas na ng mall.
Zary's POV
Nandito na ako ngayon sa bahay. Aizxt! Nakakastress ang babaeng yun. Ugh! Mas nabadtrip ako sa ginawa niya at sa attention na binibigay ng mga taong nandoon lalo na ang grupo ng mga lalaking iyon, dahil sa kanila kaya nagkaproblema ako ng ganun.
Kainis talaga! Pwede naman sila pumunta don ng patago o kaya sana hinintay muna nilang makalabas ako bago sila pumasok sa loob ng mall. Damn!
"Good afternoon, Miss Zary, kanina pa po kayo hinahanap ni sir Zekie" nakayukong sabi sa akin ng maid.
"At bakit naman niya ako hinahanap? And where is he?"
"Hindi ko po alam miss. Nasa room niya po siya miss Zary."
"Tss. Isa pa ito." Tinalikuran ko na ang maid namin at saka tinahak na ang hagdan papuntang room ng kapatid ko.