Ilang minuto na lang at lalapag na ang eroplanong lulan si Captain Manalo. Hindi pa rin makapaniwala ang Kapitan, na matapos ang higit na dalawang dekada ay makikita niya sa unang pagkakataon sa personal, ang kaisa-isang pinsan niya sa ama na matagal na niyang gustong makilala. Isa pang nasa isip ngayon ng sundalo, ang tungkol sa natanggap nitong mensahe sa email, na galing sa pinsan na importante raw na malaman niya kaagad. Nung una ay ayaw pang maniwala ni Vince na pinsan nga niya ang kachat niya online, pero ng sabihin nito ang tungkol sa kanilang namayapa ng lolo na si Don Guillermo Manalo, na tanging pamilya lang nila ang nakakaalam, doon na nakumpirma ng Kapitan na totoo ngang ang matagal na nilang hinahanap na pinsan ang kanyang kausap. At sa importante ngang gustong ipaalam sa kany

