Muling ipinagpatuloy ni Carmela ang pag-e-edit at ngayon nga ay nasa sumunod na siyang kabanata matapos ang araw na una niyang nakilala ang buong pamilya ni Jiro. Nalaman din niya na kilala nang mga ito si Ciarra dahil naging malapit ito kahit paano sa pamilya Monterde noong nasa elementary pa ito at si Jiro dahil nasa iisang barangay lang naman ang mga ito. At hindi nila akalaing magagawa ng babae ang sirain si Jiro sa kanya kung gayong napakabait na bata nito noong nakilala nila. Isa pa sa hindi lubos na mapaniwalaan ng buong pamilya ni Jiro ay ang ginawa ni Ciarra na pagnanakaw ng larawan ng anak ni Cassandra upang linlangin siya. Noon lang din niya nabatid na ang larawan ulit ng pamangkin ni Jiro ang ginamit ni Ciarra na ipinakilala nito sa kanya na bunsong anak kuno nito. “Bakit,

