“Alam mo ba, mare, sobrang guwapo nang kumuha sa ‘kin para mag-escort kagabi!” panimula nito habang nakasandal patagilid sa hamba ng kanyang pintuan sa kusina. “Pero hindi ko maipagkakaila na may edad na siya. Siguro nasa, hmm...” kunwa’y nag-isip ito. “Nasa early o mid-fifties siya. Pero nevermind the age kasi hindi naman halata! Ang expensive ni dade!” sabay hagikgik. “Yayamanin pa at ang bango-bango!” hindi nito mapigilang humalakhak. “Kaya lang, walang nangyari sa amin! Nag-expect pa naman ako! Hindi ko tuloy alam kung malaki ba o maliit o tama lang ang kanyang manoy.” nakalabing ani nito habang tumatango-tango pa. “Gaga,” natatawang aniya. “Nakakahinayang talaga pero okay lang. Ang laki naman nang ibinayad sa akin at may tip pa!” Umangat ang gilid ng labi ni Ciarra buhat sa mga tsi

