KABANATA 61

2059 Words

Akmang iinumin na ni Carmela ang tinimplang kape ng may mag-doorbell. Hindi na sana niya papansinin iyon kung hindi lang naulit nang naulit. Napa-roll eyes siya. Pinanggigilan na nito ang button ng kanyang doorbell dahil sa naging sunud-sunod na pag-buzz niyon. Nayayamot na ibinaba niya ang tasa ng kape sa dinning table at marahas na napatayo. Isa pa 'to, eh! Pangpa-high blood ng gabi! B'wisit. Sino naman kayang Poncio Pilato ang naisipan siyang bulabugin ng mga oras na iyon? At pati ba naman ang kanyang pagkakape ay iistorbohin! Matatawa naman siya sa isiping si Jerry, bumalik sa lugar niya ng lasing! How pathetic. Ang desperado naman yata ng matandang 'yon? Like, duh? Ano ito, sinusuwerte para pagbigyan niya ang hiling na maging suitor niya matapos niyang malaman na may kinakasama ito?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD