Umihip ang malakas na hangin. Sumasalpok ang malakas na alon sa pampang at muling lumayo ang tubig-alat mula rito. Tumutulo ang malapot na pulang likido sa maabong buhanginan. Walang ibang maririnig sa dalampasigan kundi ang ingay na binubuo nang dagat at ang mararahas na paghinga ni Ciarra sa nanggigilalas niyang mukha. Mula sa dalawang kamay na nanginginig ay dumausdos pabagsak sa buhanginan ang hawak niyang baril. Gilalas pa rin na napasalampak siya paupo. Inangat niya ang mga kamay na nanginginig. Ang mga mata ay namimilog sa sobrang sindak. Sa magkabilang gilid ng kanyang mga palad ay tumatagas ang malapot na dugo. Ramdam niya ang pagdaplis ng bala ng baril sa kanyang balat kanina roon. Ramdam niya maging ang talim niyon. Sa nakaangat at nakabuka niyang mga palad ay may nahagip siy

