Katherine Espiritu's POV Grabe naman yung babae kanina, hindi naman siya yung kabit kala mo kung sino siyang makasabunot at makasampal sakin! Mabuti nalang talaga at dalawa sila, kung hindi kawawa sakin ang babaeng feeling maganda na yun! Sofia yata ang name nun, narinig ko kasing tinawag siyang Sofia nung mga kaibigan niya. Naglakad ako palabas ng Condo at pumunta sa Parking Lot para puntahan ko ang kotse ko at umuwi na. Yes, mayaman ako! Kasi mayaman ang kabit ko. Oo kabit ko din yung matandang yun kasi may boyfriend ako, kaya ko lang naman pinatulan yun dahil sa pera. As if naman mag tiya tiyaga ako sa matandang yun. Although gwapo naman siya kasing pogi niya ang tatay ni Richard and Raymond Guttierez. Pero wala parin sa bokabolaryo ko ang mag stay sakanya, kumbaga pera-pera lang.

