Krisha Penincillon's POV Lahat kami ay gulong-gulong na. Hindi ko narin alam ang gagawin ko. Punong-puno na ng takot ang isipan ko. Nasaan na kaya sina Kaira, Gail, Niina at Alyssa. Ayoko man isipin, pero paano kung sila ang susunod kong makita sa screen?. Hindi ko makakaya kung sila ang makikita namin sa screen. Ayokong mamatay ang mga kaibigan ko. Hindi! Wala na akong maisip na paraan kung paano ba matigil ang nangyayari! Kung paano namin malalaman ang busit na pumapatay! “ITO NA ANG LARO! PARA MALIGTAS NIYO SINA XELLE AT SHAINA AY KAILANGAN AY MAY MAGPARAYA NA ISA SA INYO! ISANG HANDANG MAMATAY PARA MALIGTAS LAMANG SILA! SINO? HAHAHAHA!” Nagkatinginan kaming lahat dahil alam kong 'ni isa sa amin ay walang papayag. Lahat kami ay takot na takot. Nakaupo lamang kami sa mga upuan dito

