Krisha Penincillon's POV
Nasa mismong studio na kami ng Channel 3, dahil nga last 2 days nalang ng audition sa mismong studio na ito ginanap.
Pagpasok palang namin sa Studio ng Channel 3 ay pinagtinginan na kami ng mga tao.
Napapa wow sila dahil sa aming kagandahan.
Well ang ganda naman kasi talaga namin.
"Mga magandang binibini mag a-audition ba kayo?" Tanong nung Guard na halos tumulo na ang laway sa pagkakatitig sa amin.
"Isn't it obvious?" Ang sabi ni Gail.
"Naku Ms sa tingin ko di niyo na kailangan mag audition ang gaganda niyo na kasi eh panigurado tanggap na kayo agad mukhang may mga talent naman kayo" Nakangiting sabi ni Manong Guard.
Ngumiti lang kami at nagpatuloy sa paglakad napansin ko naman na sinundan niya kami ng tingin.
Habang naglalakad kami napansin kong makakasulobong namin sina Victoria at ng tatlo niyang kasama.
"Sinusundan mo ba kami?" Malakas na sabi ni Gail.
"Huyy! Gail hindi ka kilala niyan iba na itsura natin diba?" Bulong ni Niina kay Alyssa.
"What?" Maarteng tanong ni Victoria.
"Sorry, akala ko kasi ikaw yung kaibigan namin" Ang sabi ni Gail.
"It's okay" Maarteng sagot ni Victoria.
"Nag audition kayo?" Kunwaring tanong ni Alyssa.
"Yes, and tanggap na nga kami eh" Sagot nito.
"Talaga tinanggap kayo?" Pang-aasar ni Gail.
Nagtawanan namin kaming pito.
"Ofcourse!" Malanding sabi ni Victoria habang naka cross-arms pa.
"Akala kasi namin Janitress kayo!" Malakas na sabi ni Niina.
Nagtawanan ulit kami.
"Woooah!" Gulat na reaction ni Victoria at napapahawak pa ito sa dibdib niya.
"Excuse us!" Nakangiting sabi ni Gail at dinanggil niya ito sa braso kaya natamaan si Victoria at muntik na silang matumba ng mga kasama niya.
"Wooooah!" Dinig kong sabi nilang apat.
Nagpatuloy lang kami sa paglakad, buti nga sakanila.
-----*****-----
Pag pasok palang namin sa Audition Room ay kuminang na ang mga mata ni Patrick. Napatayo pa ito sa kanyang upuan habang titig na titig sa amin.
Malayong-malayo sa reaction niya nung nakita niya kami nung hindi pa kami kagandahan.
"Myghad! Sila ang mga hinahanap ko!" Abot langit ang ngiti ni Patrick.
"Ang gaganda niyo" Ang sabi ng isa pang Judge.
"Thank you" Sagot namin
"Anong pangalan niyo?" Tanong ni Patrick.
"I'm Krish..." Napahinto ako ng marealized ko na iba pala ang itsura ko kailangan ay ibang pangalan ang gamitin ko. "I-Im Kristine" Ang sabi ko.
Nagtinginan naman kaming pito na halata mong kinakabahan din sila.
"I'm Liza" Ang sabi ni Alyssa.
"I'm Sofia" Sunod na sabi ni Kaira
"I'm Mika" Nakangiting sabi ni Niina
"I'm Janell" Ang sabi naman ni Gail.
"I'm Kathleen" Nakangitin sabi ni Mariel.
At ang huling nagpakilala ay si Ariel.
"I'm Nalene" Ang sabi ni Ariel.
"And we are the 7 Rings!" Masayang sabi ni Kaira.
"What a nice name!" Ang sabi ng isang Judge na babae.
"Okay show us what you've got!" Sabay-sabay na sabi ng mga Judges.
Nag-gitara at nagkanta si Ariel at Mariel. Habang kaming apat naman ay nag sing and Dance.
Mukhang nag e-enjoy naman sila sa performance namin dahik napapa indak ang mga judges.
Hanggang matapos na kami magpakita ng talent.
"Ang galing-galing! My goodness!" Masayang sabi ni Patrick napatayo pa ito sa kanyang upuan at pumapalakpak.
"Thank you!" Sabay-sabay naming sabi.
Judge One "Wala na akong masabi! Maganda may talent!"
Jugdge Two "Wala narin akong masabi eh! Sobrang ganda at sobrang talented kayo! Bagay na bagay kayo dito sa show na ito!"
"Isn't it obvious?" Nakangiting sabi ni Patrick.
Ngumiti naman kami dahil sa mga komento nila. Ang sarap pala talaga sa feeling ng napupuri. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa na nararamdaman ko, ngayon lang ako napuri ng ganitong klase sa buong buhay ko, ang sarap pala talaga sa pakiramdam.
"I think sabay sabay na tayo mag vote?" Ang sabi ni Patrick habang nakangiti na nakatingin sa kasama niyang judges.
"Yes!!!" Sabay-sabay nilang sabi.
"Oh my gosh!" Masayang sabi ni Kaira.
"Grabe ito na yun!" Masayang sabi ni Ariel at niyakap niya ang kambal niyang si Ariel.
"This is is really really it!" Masayang sabi ni Gail at nagyakapan kaming lahat.
"Congratulations 7 Rings!" Masayang sabi ni Patrick.
Para namang may kaka-ibang ihip ng hangin na naramdaman.
Binaliwala ko nalang yun, dahil lang siguro sa tensyon na nararamdaman ko.
-----*****-----
Napag desisyunan namin na wag na munang umuwi sa apartment ng tita nila Alyssa, dahil nga hindi namin alam kung paano kami haharap sakanya dahil sa bago na ang mga itsura namin. Dahil nakita na kami ng kanyang tiyahin.
Kaya napag planuhan namin na maghanap nalang ng bagong apartment.
Napatingin naman ako sa aking Wrist Watch. Ala una na pala ng tanghali at hindi pa kami kumakain.
"Kumain na muna tayo, nagugutom nako eh" Ang sabi ni Niina.
"Ay naku Niina! Ikaw nga talaga yan! Hanggang ngayon kasi matakaw ka parin!" Pang-aasar ni Gail.
"Grabe ka naman sakin! Nakakagutom naman kasi talata eh!" Inis na sabi ni Niina.
"Tama na nga yan! Mabuti pa kumain na nga tayo at nakakagutom naman talaga! Bago tayo maghanap ng apartment kumain na muna tayo!" Ang sabi ni Alyssa.
"Ow see! Sabi sayo nakakagutom naman talaga eh! Palibhasa kasi hanggang ngayon payatot ka parin!" Pang-aasar ni Niina kay Gail.
Para talaga silang aso at pusa lagi silang nag-aaway.
"Oy sexy kaya ako!" Maarteng sabi ni Gail.
"Naku tara na nga!" Ang sabi ni Alyssa.
Naglakad naman kami para maghanap ng fast food chain.
Habang naglalakad kami ay may napansin akong isang lalaki na hindi mapakali. Hindi ko alam kung bakit ba ito naka titig sa amin.
Hanggang lumapit ito at biglang inagaw ang bag ni Gail.
"Mygosh! My bag! Magnanakaw!" Sigaw ni Gail.
Fuck! Kaya pala siya hindi mapakali snatcher pala iyon! Kaya pala ganyan ang itsura niya.
Nagsisigaw lang si Gail habang patuloy lang sa pagtakbo yung snatcher, hindi na namin in habol yung snatcher dahil baka masaktan lang kami.
Hanggang may isang kotseng kulay black na humarang sa dinadaan ng snatcher.