Krisha Penincillon's POV Nakayuko parin ang lahat ng mga kaibigan ko pati si Manong Guard. Maliban kay Nate at Lola Guada. Dahil si Nate ang nagma-maneho. Si Lola Guada naman ay nakatingin doon sa anim na babaeng nadaanan namin kanina lang. Na schocked ito at umiyak ng umiyak. Kinikilabutan parin ako dahil doon sa mga babae. Shit! Sobrang nakakatakot sila. 'Yung hitsura nila galit na galit. Nanlilisik ang kanilang mga mata. Muli nanaman may bumaril sa sinasakyan namin. Mabuti nalang at nakayuko ang mga kasama ko kung hindi baka may nabaril na sa amin. Lumingon ako at tinignan kung sino ang mga bumabaril sa amin. Isang sasakyan ang sumu-sunod sa amin. Masyadong lib-lib ang daan na tinatahak namin kaya walang mga poste ng ilaw. Sobrang dilim sa kalsada. Wala ding gaanong bahay sa luga

