Krisha Penincillon's POV Tumakbo na kami ni Mariel palayo kanila Pj. Tinawag ko si Nate pero hindi niya ako pinansin hindi parin siya umalis sa tabi ni Heirs. Bumalik kami ni Mariel kung nasaan ang mga kaibigan namin. Nakita naman namin sila agad. Umiiyak parin ang mga ito at halatang takot na takot parin. Wala parin sina Gabrielle, Naza at Kean— Wala na nga pala si Keanne. Kumirot ang puso ko at nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Nang makita kami nila Ariel, Niina, Alyssa at Gail ay agad silang tumakbo palapit sa amin at halatang alalang alala sila. Niyakap nila kame habang patuloy lang sila sa pag-iyak. “Nasaan na sina Keanne, Gabrielle at Naza?” tanong ni Gail. “W-wala na si Keanne” mahina kong sambit. Garalgal ang bosis ko dahil sa pag-iyak. “A-anong ibig mong sabihin?

