CHAPTER 8

2786 Words
Dahan dahan kong iminulat ang aking mata matapos masilaw sa sinag ng araw na tumatagos sa aking mukha. Unang bagay na bumungad sa akin ay ang puting kisame na kung tama ako ay sa kwarto ko. Napaunat ako ng kaonti at bahagyang tatayo na ng makaramdam ako ng sakit sa kanang braso ko. "Aww!" Napatingin ako rito at nakitang naka-benda ito hanggang pag lagpas ng siko ko. Bakit ba ako mayroong ganito? Anong nangyari? Nadisgrasya ba ako? Bakit wala akong matandaan. Bumukas ang pinto at nakita ko ang tito na may dalang baso ng tubig. Nang makita iyon ay agad kong naramdaman ang uhaw. Nilapag niya muna ito sa maliit na lamesa na nasa kama ko at tsaka ako inalalayang sumandal sa head board ng kama, tsaka nito inabot ang tubig na dali ko naman ininom. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" bakas ang pagaalala sa boses nito. Kaagad akong nakaramdam ng konsensya. Hindi ko alam ang totoong nangyari pero mukhang pinagalala ko ang tito. "Okay na po ako. Masakit lang po ang kanang braso ko." magalang kong sagot pagkababa ko ng baso na walang laman sa maliit na lamesa. Nakita ko ang bahagyang pagtungo nito. "Sa susunod ay magiingat ka na ha?" "A-ano po bang nangyari?" Mukha naman siyang hindi nagulat sa tinanong ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin na waring nanghihingi ng pasensya, tsaka ito bumuntong hininga. "Na aksidente ka noong nakaraang araw hija. Patawid ka na noon ng may lasing na nagmamaneho ang nakabunggo sayo, tumilapon ka at tumama ang katawan mo sa isang puno." Dahan dahan akong napatango kahit pakiramdam ko ay may mali. Kung ganon ay hindi pala ako nagingat. Kung sana mas nagingat ako, sana ay hindi nangyari sa akin ito, binigyan ko pa ng problema ang tito, nakapag tataka lang na wala ako sa hospital pero sigurado akong gumastos naman siya para mapagamot ako. Nalaman ko na tatlong araw daw akong tulog, marahil sa tindi ng tinamo ko ay kinaylangan ng katawan ko ang matinding pamamahinga. May doktor na dumarating sa bahay para tignan ang benda sa braso ko, sinabi nito na maaari ko na raw iyong tanggalin pagtapos ng isang linggo. Hindi rin ako pinayagan ni tito na pumasok sa eskwela dahil sa sitwasyon ko, sinabi rin niya na kukuha na lang raw ako ng special examination sa oras na magaling na ako. Ilang araw na rin akong nagkukulong dito sa bahay. Ayaw akong palabasin ni tito kahit sa kwarto 'man lang dahil baka raw lumala ang sakit ko. Sabi ko nga na sa braso lang naman ako may pinsala at hindi ako baldado pero wala na rin naman siyang nagawa ng magpumilit ako. Hindi ko lang akalain na magiging concern si tito sa akin ng ganito, palagi ko kasing iniisip na ang lamig lamig ng pakikitungo niya sa akin kahit na ni minsan ay hindi naman niya ako ginawan ng masama. Nakakaramdam na rin ako ng inip dahil wala akong magawa. Namimiss ko na rin si Amanda dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita. Siguro nalaman na nito ang tungkol sa nangyari, nakaka-tampo lang na hindi niya 'man lang ako magawang dalawin. Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pinto, saglit kong sinara ang librong binabasa ko upang sana ay buksan ang pinto ng bumukas na ito. Pumasok ang hindi ko inaasahang tao sa loob. Lumapit ito sa akin at pinahiga ako ng maayos. "L-Lucaz," Huling araw na nakita ko siya ay ang araw na nasagasaan ako, mula noon ay hindi na. Naintindihan ko naman na hindi niya ako madalaw pero iba pa rin pala talaga pag nandito na. Aminin ko 'man o hindi, talagang na-miss ko ang malamig na pakikitungo niya. "Kamusta ka na?" mahina ang boses nito, may kaonting lamig pa rin naman pero mahinahon at ramdam ko ang senseridad. Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko at nagulat ako ng halikan niya ito. Agad kong naramdaman ang nagkakagulong insekto sa sikmura ko. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa pero sigurado akong nagustuhan ko iyon. "L-Lucaz," muli kong banggit sa pangalan niya. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita e. Yung mga mata niya, puno ng kalungkutan. Gusto kong malaman kung anong bumabagabag sa kaniya para sana matulungan ko siya pero hindi ko magawang magsalita. "I'm sorry baby," Hindi ko na naisip ang unang dalawang salitang sinabi niya at nag focus ako sa ikatlo —baby, kung noon baka nasuka na ako sa salitang yan pero iba na ngayon, iba ang nararamdaman ko sa tuwing tinatawag niya akong ganiyan. Masaya? Masarap sa pakiramdam. "Bakit ka nanghihingi ng sorry, Lucaz?" Hindi talaga maalis ang kalungkutan sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay na konsensya na naman ako. Ano ba kasing nangyayari? May hindi ba siya sinasabi sa akin? May dapat ba akong malaman? May nangyari ba sa bayan? Ayokong nalulungkot siya, pero paano ko aalisin ang lungkot niya? "Sorry. I didn't got a chance to visit you after you wake up. I'm sorry, Shia." Napabuntong hininga ako. Iyon lang naman pala ang iniisip niya. Hindi naman mahalaga sa akin kung hindi niya ako nabisita, naintindihan ko na parati siyang busy at hindi ako hadlang doon, ang importante naman ngayon ay nandito siya, hawak hawak ang kamay ko. "Alam mong naintindihan ko. May nangyari ba sa bayan?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Ngumiti siya ng mapakla. "Yeah, there were minor problem that I needed to fix, and about the driver who almost killed you, he was arrested." Napatango naman ako. Mabuti naman at nahuli na ang driver na iyon. Bakit kasi kaylangan niyang mag maneho ng lasing? Pero may kasalanan din naman ako. Hindi muna ako tumitingin sa kalsada bago ako tumawid. "Ayos ka lang ba, Lucaz?" "Of course! You want to eat?" Nginitian ko siya. Lumabas siya sandali para magluto ng kakainin ko. Nakakatuwang isipin na ginagawa niya ito para sa akin. Heto, umaasa na naman ako. Naging ganon lang ang set-up namin ni Lucaz. Palagi na siyang nandito sa bahay para alagaan ako. Nagtaka pa nga ako nung hindi tumanggi ang tito at wala 'man lang siyang sinabi na kahit ano kaya natuwa ako. Napatingin ako sa bagong divider na nasa kwarto ko. Puno ito ng libro na galing kay Lucaz. Lahat daw yan ay nabasa na niya at binibigay na niya sa akin. Karamihan sa librong binigay niya ay luma na, parang hundred years na yata yung iba. Nalaman kong maingat lang siya sa gamit kaya nagawa niyang maitabi at ma-preserve ang ganoon kalumang libro. Mayroon pa nga yatang libro mismo ni Albert Einstein na sulat kamay niya pa at may pirma pa sa dulo, meron pang libro ng ilang sikat na manunulat noon at lahat yon ay sulat kamay pa nila. Inisip ko nga na ibenta dahil sigurado akong yayaman sa ganon pero naisip ko na sayang at mukhang mahalaga iyon kay Lucaz. Dumating ang doktor at inalis non ang benda sa braso ko. Ginalaw galaw ko rin to ngunit medyo nahirapan pa ako. Sabi naman ng doktor, normal lang daw 'yon, basta wag lang daw pipilitin at bibiglain. Igalaw galaw ko raw ito para ma-exercise hanggang sa gumaling ng tuluyan. May binigay din siya sa aking pain killers kung sakali na kumirot. Ngayon na ang pagbabalik ko sa klase. Agad akong sinalubong ni Amanda sa gate pa lang ng eskwelahan namin. Natuwa ako ng makita siya dun. Tumakbo ito palapit sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit. "Na-miss kita, Shia! Mabuti naman at magaling ka na!" masiglang bati nito sa akin. Nagsimula kaming maglakad papasok pero ang kamay nito ay nananatili na naka-kapit sa braso ko. "At hindi mo ako dinalaw." pabiro kong aniya rito na waring nagtatampo. Bigla naman rumehistro ang konsensya sa mukha niya, ngumuso ito at mas lalo akong niyakap ng mahigpit. "Sorry na, friend! Busy ako sa studies e. Babawi na lang ako, okay? My treat later." Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ako na hatid ni Lucaz ngayon dahil may kelangan daw siyang asikasuhin sa labas ng bayan, pero magkasama naman kami kagabi at napaka rami rin naming napag kwentuhan. Sabi naman niya ay hindi siya magtatagal at baka tanghali ay nakabalik na siya. Hindi ako pumasok sa subjects ko para kumuha ng special exam sa isang silid na ako lang magisa. Apat na oras yata akong nagsagot para sa tatlong subject ng marinig ko ang malakas na bell hudyat na lunch break na. Pinasa ko na ang papel ko at sinabi ng instructor na bumalik na lang daw ako mamayang alas-dos ng hapon para sa dalawa pang subject. Pagkalabas ko pa lang ng silid ay bumungad na sa akin ni Lucaz na nakasandal sa dingding. Simple lang ang suot niya. Isang gray v-neck shirt, maong pants at converse shoes pero napaka hot na niyang tignan. Hindi mo aakalaing ang isang mukhang iyan ay pinuno na ng bayan. "Hey, how was the exam?" saglit itong ngumiti pagkakita sa akin. Lumapit siya at agad hinawakan ang kamay ko hanggang sa naglakad kami. Bigla akong nahiya para sa sarili ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil ang pinuno ng bayan ay hawak hawak ang kamay ko na parang wala lang. Hindi ako nahihiya dahil siya ang kasama ko, nahihiya ako dahil wala akong pinanghahawakan. "A-ayos nman." sagot ko habang nakayuko. "Am I intimidating you, Shia?" nagaalalang tanong niya. Hindi ko magawang sumagot. Natapos ang lunch at kinaylangan kong bumalik sa silid upang mag exam ng wala kaming naging imikan. Parang nagkaroon ng malaking pader sa pagitan naming dalawa at nasasaktan ako. Hindi niya ako pinansin pero tumitingin siya sa akin. Hindi na rin niya ako hinatid sa room dahil ayoko rin naman, pero diba dapat pinilit niya ako? Wala akong kabuhay-buhay habang sinasagutan ko ang papel hanggang sa matapos ako. Wala na akong gagawin pa kaya nagdesisyon akong umuwi ng mas maaga. Hindi pa tapos ang regular class kaya siguradong hindi pa nakakauwi si Amanda. Magpapaliwanag na lang ako sa kaniya bukas. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Naglalakad na ako palabas ng gate ng may malamig na kamay ang humawak sa kamay ko at bigla akong hinila, pinasok ako nito sa sasakyan niya at pinaandar niya ang sasakyan. Huminto kami sa kakahuyan kung saan kami madalas tumambay at magpalipas ng oras. Pansin ko ang paghigpit ng kamay niya sa manubela, pinatay niya ang makina tsaka siya lumabas ng sasakyan at pabalyang sinara ang pinto nito. Inaamin kong nagulat ako sa inasal niya. Sa itsura niya, halata naman na galit siya kaya natatakot ako na lumapit sa kaniya. Alam ko naman na kahit na malapit na kami sa isa't isa, siya pa rin si Lucaz Hollagan na kinatatakutan ng lahat. "Get the f**k out, Shia!" Bigla akong napabalikwas ng sumigaw si Lucaz. Natuyuan yata ako ng laway sa ginawa niya. Oo natatakot ako. Pero mas nagtataka ako kung bakit siya nagkakaganiyan. Nagulat akong muli ng nahampas niya ang bumper ng sasakyan niya kaya dali dali na akong bumaba ng sasakyan. Humakbang ako palapit sa kaniya. Wala akong ibang marinig kundi tunog ng nagsasayawang mga sanga at dahon sa paligid. Wala akong ibang maapakan kundi mga tuyong dahon na nagsilagasan na mula sa puno nito. Wala akong ibang makita kundi ang mukha niyang naguguluhan. Pakiramdam ko ay pahigpit ng pahigpit ang hininga ko palapit sa kaniya. Hindi siya umimik o ano, parang hinihintay niya lang talaga na makalapit ako. Pero mukhang hindi na yata siya makapag hintay dahil hinila na niya ako at nilapit sa katawan niya. Napasulyap ako sa bumper ng sasakyan kung saan hinampas niya at nakita ang pagyupi nito. "Tell me what's wrong?" nabaling ang atensyon ko sa kaniya ng magsalita siya. Kumunot ang noo ko sa tanong niya, "Huh?" Nag-igting ang panga niya sa sagot ko, bakas din ang pagpipigil niya sa sarili niya, malalalim ang mga hinga at nanunuyo ang kaniyang mga mata. "What's wrong baby? Bakit hindi mo ako pinapansin kanina?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Doon ba sa tinawag niya ulit akong baby, o dahil ba sa pagtatagalog niya. Siguro kung wala lang kami sa seryosong sitwasyon ay baka natawa na ako. Hindi bagay sa kaniya ang mag tagalog, hindi tumutugma ang accent niya sa lenggwaheng pilipino. "Why aren't you answering me, Shia? Tell me what's going on! Did I do something bad to you? Tell me because it's really driving me crazy." Napatitig ako sa mata niyang puno ng pagaalala. Bakit niya sinasabi sa akin ang mga yan? Hindi ba siya naman ang hindi pumansin sa akin? Tsaka, alam naman nyang hindi ako ang nagsisimula ng konbersasyon. Hindi ko rin magawang umimik dahil naka-mata sa amin ang mga tao sa paligid non habang kumakain kami. "f**k!" Nagulat ako ng malakas nitong hinampas ang sasakyan niya. Hindi ko pinansin pa ang pagyupi nito at nag focus ako sa nag-ngangalit niyang mga mata. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at dinikit ang malamig niyang palad sa pisnge ko. "Calm, okay." Sa dalawang salitang iyon, pakiramdam ko ay otomatikong kumalma ang sistema niya bagay na ikinatuwa ko. Hinaplos haplos ko ang malamig niyang kamay habang ito ay nakadikit sa pisnge ko. "Shia," "Pasensya na kung hindi kita napansin kanina. Sa totoo lang, nahiya ako ng hawakan mo ang kamay ko—" "Kinakahiya mo ako?" Agad akong umiling at mas diniinan ko pa ang hawak sa kamay niya, "Hindi. Nahihiya ako para sa sarili ko dahil sino lang ba ako? Isa lang akong hamak na bagong salta samantalang ikaw ay pinuno ng bayan na ito." Nakita ko ang agarang pag-igting ng panga niya. "Don't ever think of that way again, Shia." "P-pakiramdam ko ay hindi ako sapat para sayo." "I would never be on your side if you're not enough." Biglang tumulo ang luha ko sa narinig. Hindi ko inaakala na maririnig ko ang mga salitang ito. Nakita ko kung paano rumehistro ang pagaalala sa mukha niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako kaya lalo akong napaiyak. "Shh, don't cry baby please, I'm hurting." Inalis niya ang pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at pinunasan ang luhang tumulo doon gamit ang hinlalaking daliri niya. "Nahihiya ako kasi wala akong pinaghahawakan, Lucaz. Natatakot ako na baka dumating ang oras na kuwestyunin nila ako pero wala akong maisagot kasi wala namang tayo." Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Tama, natatakot ako sa mga magiging reaksyon nila. Alam kong may something na e. Mayron ng something sa aming dalawa at ngayon ay hanggang ganon pa rin. Nakikita ng mga tao na palagi niya akong hinahatid-sundo, pinakikita niya sa publiko na mahalaga ako sa kaniya, kumakain kami ng sabay at hinahawakan niya ang kamay ko sa harap ng maraming tao. Ayokong dumating sila sa punto na tanungin ako at wala akong ibang masagot kundi 'ewan ko' at natatakot din ako na umasa na baka hanggang doon lang pala iyon. "I'm sorry," Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit kaya muling tumulo ang luha ko. Bakit siya nanghihingi ng sorry? May nagawa ba siya? Ito na ba? Dumating na ba yung kinakatakot ko? Malalaman ko na ba mula sa kaniya na walang kahulugan lahat ng 'yon? Ipapamukha na ba niya sa akin na ako lang ang nagisip na may something sa aming dalawa? Iiwan na ba niya ako? Lalayo na ba siya sa akin? Marami akong gustong itanong pero ang tangi kong nagawa ay umiyak sa dibdib niya. Alam ko ito na 'yon. Siguro nga ay hindi niya talaga ako gusto. Totoong hindi pa ako sapat. Hindi kami bagay. Langit siya at lupa ako. Napaka-layo ng agwat naming dalawa. Simple lang akong tao pero marangya ang buhay niya at pinuno pa siya rito. Madaling sabihin na hindi kami bagay, pero ang hindi ko matanggap ay ang umasa ako. Umasa ako sa masayang panaginip na ako lang ang lumikha. Nakalimutan ko, hindi nga pala ako nabubuhay sa fairytale kung saan ang isang prinsipe ay posibleng magmahal ng isang alila. Nasa totoong mundo nga pala ako kung saan mayroong reyalidad. Isang reyalidad na nagtutukoy na hindi lahat ng posible ay mangyayari. Lumikha ako sa aking kaisipan ng isang pantasya na tanging ako lang ang nakakaalam na nageexist pala. Inalis niya ang pagkakayap sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong pisnge at sinandal niya ang noo niya sa noo ko. Ganoon kalapit ang posisyon namin na halos hindi na ako makahinga. Heto na naman, umaasa na naman ako. Mabibgat ang paghinga at ang tanging hangin na nalalasap ko ay ang mabango niyang hininga. Napatitig ako sa maputla niyang labi at sa mga mata niyang nagsusumamo. Hanggang sa may sinabi siya na pinaka-nagpagulat sa akin. "Shia Elizabeth, be my girlfriend please." "Let's make it official. I want to finally call you mine and I will be yours, only yours baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD